Hans Bethe
Si Hans Albrecht Bethe (Hulyo 2, 1906 – Marso 6, 2005)[2] ay isang Aleman at Amerikanong pisiko nukleyar na, bilang karagdagan sa paggawa ng mahahalagang mga ambag sa astropisika, elektrodinamikang kwantum at pisikang nasa katayuang solido, ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1967 para sa kaniyang gawain hinggil sa teoriya ng nukleosintesis na istelar.[3]
Hans Bethe | |
---|---|
Kapanganakan | 2 Hulyo 1906
|
Kamatayan | 6 Marso 2005
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika (1941–) |
Nagtapos | Ludwig-Maximilians-Universität München Unibersidad ng Frankfurt Goethe Unibersidad ng Cambridge Sapienza University of Rome |
Trabaho | pisiko, propesor ng unibersidad |
Pirma | |
Sa malaking bahagi ng kaniyang karera, si Bethe ay isang propesor sa Pamantasang Cornell.[4] Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ang pinuno ng Dibisyong Teoretikal sa lihim na laboratoryo ng Los Alamos na nakalikha ng unang mga bombang atomiko. Doon ay pangunahing ang kaniyang naging gampanin sa pagtutuos ng masang kritikal ng mga sandata at sa pagpapaunlad ng teoriyang nasa likod ng metodo ng implosyon na kapwa ginamit sa pagsusulit na Tatluhan at sa sandatang "Fat Man" (literal na "Matabang Lalaki") na inihulog sa Nagasaki, Hapon noong Agosto 1945.
Pagkaraan ng digmaan, nagkaroon din si Bethe ng isang mahalagang gampanin sa pagpapaunlad ng bombang hidroheno, bagaman orihinal siyang sumali sa proyekto na umaasang mapapatunayan niyang hindi ito maaaring magawa. Sa paglaon, nangampanya si Bethe na kapiling sina Albert Einstein at ang Komite ng Emerhensiya ng mga Siyentipikong Atomiko laban sa pagsubok na nukleyar at karera ng sandatang nukleyar. Nakatulong siya sa paghimok sa mga administrasyong Kennedy at Nixon na lagdaan, ayon sa pagkakasunud-sunod ng kanilang mga termino, ang Partial Nuclear Test Ban Treaty ng 1963 at ang Anti-Ballistic Missile Treaty (SALT I) ng 1972. Hindi nagmaliw ang kaniyang pananaliksik na pang-agham at naglalathala siya noon ng mga kasulatan hanggang sa sapitin at lampasan niya ang edad na 90 taong gulang, na nakagawa sa kaniya na maging isa sa mangilan-ngilang mga dalub-agham na nakapaglathala ng kahit na isang pangunahing kasulatan sa kaniyang larangan sa loob ng bawat isang dekada ng kaniyang karera – na, sa kaso ni Bethe, ay sumaklaw sa halos 70 mga taon. Si Freeman Dyson, na isa sa dati niyang naging mga mag-aaral, ay tinawag siyang "supreme problem-solver of the 20th century" (pinakadakilang manlulutas ng suliranin noong ika-20 daantaon).[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Бете Ханс Альбрехт"; hinango: 28 Setyembre 2015.
- ↑ Lee, S.; Brown, G. E. (2007). "Hans Albrecht Bethe. 2 July 1906 -- 6 March 2005: Elected ForMemRS 1957". Biographical Memoirs of Fellows of the Royal Society. 53: 1. doi:10.1098/rsbm.2007.0018.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Horgan, John (1992). "Illuminator of the Stars". Scientific American. 267 (4): 32. doi:10.1038/scientificamerican1092-32.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Makukuha mula sa www.JamesKeckCollectedWorks.org [1] ang mga pagtatala sa klase ng isa sa kaniyang mga estudyante sa Cornell mula sa kursong pangnagtapos na hinggil sa Pisikang Nukleyar at hinggil sa mga Paglalapat ng Kuwantum Mekaniks na itinuro niya noong panahon ng tagsibol ng 1947.
- ↑ Wark, David (2007-01-11). "The supreme problem solver". Nature. 445 (7124): 149. Bibcode:2007Natur.445..149W. doi:10.1038/445149a.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)