Hans Lee
Maaaring hindi nakakatugon ang artikulong ito sa pangkalahatang gabay sa katanyagan.
Pakitulungang magbigay ng katunayan ng katanyagan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mapagtitiwalaan, pangalawang mga sanggunian tungkol sa paksa. Kung hindi makapagbigay ng patunay ng katanyagan, malamang na isanib o burahin ang artikulo. (Nobyembre 2018) |
Si 'Hans Lee' ay isang artista sa Pilipinas. Siya ay isa sa mga napiling maging grand finalist mula sa libo libong nag audition sa bansa sa Search For The Star in A Million. Hindi man pinalad na manalo sa nasabing lahok, siya ay naging matagumpay sa larangan ng pag awit at pagganap sa entablado gaya ng Klownz, Zirkoh, at ilan pang nangungunang lugar panglibangan ng Pilipinas.
Hans Lee | |
---|---|
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | artista |
Kahit bago pa ang Search for the Star in a Million, lumahok na at nakapag uwi na ng karangalan sa bansa sa larangan ng pag awit si Hans Lee. Noong 2002 isa siya sa kinatawan ng ACE International Student Convention na ginanap sa Arizona, Estados Unidos, hindi binigo ni Hans ang bansa ng iuwi niya ang medalyang sa ika-13 posisiyon laban sa humigit kumulang 80 na bansang kalahok.
Si Hans Lee din ang umawit sa ilang awiting ginamit na pang kampanya ng ilang politiko noong nakaraang eleksiyon noong 2007. Maririnig din ang tinig niya sa mga patalastas sa telebisyon at radyo.
Siya rin ang nag remake ng awiting pinasikat ng Guys Next Door noong dekada '90 na I've Been Waiting For You na isinama sa Search For the Star in A Million The Album sa ilalim ng Star Records.
Mga pelikula at palabas sa telebisyon
baguhin- Umulan Man O Umaraw - GMA 7 (2000)
- Kay Tagal Kang Hinintay - ABS-CBN 2 (2002)
- CLICK - GMA 7 (2002)
- Berks - ABS-CBN 2 (2003)
- Star Studio Presents: Carwash - ABS-CBN 2 (2003)
- Search for the Star in a Million - ABS-CBN 2 (2005)
- Road to Stardom - ABS-CBN 2 (2005)
- ASAP - ABS-CBN 2 (2005)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.