Harinang saging
Ang harinang saging ay isang pulbos na tradisyunal na gawa sa mga luntiang saging. Sa kasaysayan, ginagamit ang harinang saging sa Aprika at Hamayka bilang mas murang alternatibo sa harinang trigo.[1] Kadalasang ginagamit ito bilang kapalit na walang gluten sa harinang trigo[2] o bilang pinagmulan ng sumasagwil na almirol, na kung saan pinasikat ito sa pamamagitan ng mga uso sa diyeta tulad ng mga diyetang paleo at primal at sa pamamagitan ng mga ilang kamakailang pananaliksik sa nutrisyon.[3] Dahil sa paggamit ng mga luntiang saging, may napakabanayad na malasaging na lasa ang harinang saging kapag hilaw. Kapag niluto naman, ito ay may makalupang, di-malasaging na lasa; mayroon rin itong pagkakahabi na nakapagpapaalaala ng mas magaan na harinang trigo at nangangailangan ng mas kaunti nang 25% bolyum, na nagsisilbi bilang isang mahusay na kapalit para sa harinang puti at harinang puti at buung-trigo.[4]
Mga pamamaraan ng produksyon
baguhinAng harinang saging ay karaniwang gawa sa mga luntiang saging na binalatan, tinadtad, pinatuyo, at giniling.[5] Ayon sa kaugalian, maaaring makumpleto ang prosesong ito gamit ang mga kamay, kung saan pinatutuyuan ang mga saging sa araw, pinatutuyuan sa isang hurno, o isang pambahayang pantuyo ng pagkain, at ginigilingan pagkatapos sa isang pandikdik at pambayo o may gilingang mekanikal.[6] Nangangailangan ang prosesong ito ng mga 8-10 kg ng hilaw na luntiang saging upang makabuo ng 1 kg ng harinang saging.[7] Sa mga nakaraang taon, nagsimula ang malawak na produksyong komersyal sa Aprika at Timog Amerika gamit ang parehong batayang pamamaraan.[8]
Sinusubukang bumuo ang Tsile ng isang alternatibong pamamaraan ng produksyon ng harinang saging gamit ang hinog na tira ng saging. Nakagawa ang mga Tsilenong mananaliksik ng proseso na gumagamit ng mga layot na balat ng saging upang magdagdag ng hiblang pandiyeta sa hinog na saging, na walang katangian ng sumasagwil na almirol ng mga berdeng saging.[9] Habang kulang sa sumasagwil na almirol, may mga malinaw na kalamangan ito kaysa sa pulbos-saging. Gawa ang pulbos-saging mula sa tuyo at dinurog na katas ng hinog na saging at kaya wala itong nilalamang hibla ng harina mula sa balat ng saging ni sumasagwil na almirol ng harina mula sa luntiang saging.[10]
Mga paggamit
baguhinMakasaysayang paggamit
Ayon sa kaugalian, ginagawa ang harinang saging bilang kapalit sa mahal na harinang trigo sa iba't ibang bahagi ng Aprika at Hamayka. Noong unang bahagi ng 1900, naibenta ang harinang saging sa Gitnang Amerika sa ilalim ng tatak na Musarina at ibinebenta bilang kapaki-pakinabang para sa mga may mga problema sa tiyan at panganganak.[11] Noong Unang Digmaang Pandaigdig, itinuturing ng Kagawaran ng Agrikultura ng Estados Unidos ang plano upang makagawa ng harinang saging bilang kapalit ng harinang trigo at senteno.[12]
Alternatibong walang gluten
Inangkat o ginawa ang harinang banana ng mga kumpanyang Amerikano at Australyano, International Agriculture Group at Natural Evolution. Ibinebenta ang mga harinang na ito bilang alternatibong walang gluten sa harinang gawa sa trigo para sa mga naghihirap sa sakit na seliyaka at sa mga pumipili ng diyetang walang gluten.[13] Ibinebenta din ang mga ito para sa mga clean-label texturizers at bilang isang likas na pinagkukunan ng sumasagwil na almirol. Dahil sa mataas na nilalamang almirol, bagay ang mga katangian nito para sa pagluluto at maaaring gamitin ito bilang kapalit sa trigo at iba pang klase ng harina.[14] Gayunpaman, kahit na sa mga produktong luto tulad ng pasta, nadagdagan ang kabuuang nilalamang sumasagwil na almirol sa maraming halaga kapag isinama ang harinang saging.[15]
Sumasagwil na almirol
Nakakuha ng pansin ang harinang saging (baryanteng berde) ng mananaliksik sa nutrisyon at nagdidiyeta bilang isang mahusay at kapaki-pakinabang na pinagkukunan ng sumasagwil na almirol.[16][17] Ang lumalalang almirol ay tumutukoy sa almirol na tumututol sa panunaw - hindi ito natutunaw sa maliit na bituka, ngunit umaabot sa malaking bituka, kung saan sumisilbi ito bilang isang mabuburong hiblang pandiyeta.[18] Maaaring may mataas na nilalamang sumasagwil na almirol (>60%) ang harinang saging o maaaring may mababang nilalamang sumasagwil na almirol (<10%) ito, depende kung paaano itinuyo ang partikular na sangkap. Kadalasang ginagamit nang hilaw ang harinang saging, halimbawa bilang sangkap sa smoothies o nutrisyon bar, maaaring mabawasan ang nilalamang sumasagwil na almirol kapag niluto.[19]
Pakaing panghayop at pandikit manufacturing
Ginagamit ang harinang saging bilang pakaing panghayop sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ginagamit din ito bilang isang sangkap sa mga pampalit sa gatas para sa mga guya.[20] Nagluluwas ang Dynasty Banana Flour Manufacturing at Trading sa Pilipinas at Taj Agro Products sa Indya ng harinang saging sa buong mundo para gamitin sa mga pakaing panghayop (kung saan nagsisilbi ito bilang pampamuo) at para sa paggamit sa produksyon ng pandikit, kadalasan sa pandikit ng playwud.[21]
Pagkakaroon
baguhinTradisyonal na mahahanap ang harinang saging sa Aprika at Timog Amerika, mula sa tradisyonal at komersyal na produksyon. Ipinakilala ito bilang isang sangkap pangkomersyal sa buong mundo sa pamamagitan ng mga kumpanya tulad ng International Agriculture Group (nakabase sa Estados Unidos) [22] at Natural Evolution (nakabase sa Australya) [23] .
Mga benepisyo sa kapaligiran at ekonomiya
baguhinIminungkahi ang produksyon ng harinang saging bilang solusyon sa mataas na antas ng pagsasayang sa mga pananim-saging ng mga mananaliksik at opisyal ng iba't ibang bansa. Pinipili at itinatapon ang maraming hilaw na luntiang saging bilang hindi angkop para sa pagbebenta o pagluluwas.[24] Angkop pa rin ang mga napiling luntiang banana para sa produksyon ng harinang saging, at kung gagamitin para sa layuning ito, ay makababawas ng pagsasayang sa produksyon ng saging. Sa gayon, makakakuha ang mga sagingero ng mas malaking kita mula sa kanilang mga pananim, mababawasan ang epekto ng mga pananim na iyon sa kapaligiran, at tataas ang produksyon ng pagkain sa mundo dahil gagamitin ngayon ang mga nasayang noon.[25] Sinimulan ng mga Tsilenong opisyal ang produksyon ng layot na harinang saging na gawa mula sa mga layot na balat ng saging at ang layot na prutas ng saging.[26] Binabawasan nito ang pagsasayang dahil sa paggamit ng mga saging na karaniwang itinatapon kapag hindi nabebenta o hindi sinasadyang malayot, na maaaring mangyari sa hanggang 20% ng mga saging na dinala sa merkado.[27] Sa ganitong paraan, maaaring mabawasan ng harinang saging ang pagsasayang sa parehong banda ng produksyon ng saging.
Mga pinag-aalahanan sa produksyon
baguhinMatagal nang nauugnay ang produksyon ng saging sa pagsasamantala sa mga mahihirap na manggagawa sa mga bansa sa ikatlong mundo.[28] Ang produksyon ng harinang saging ay natural at malapit sa mga alalahanin na ito, dahil nag-aalala ang ilang mga mamimili kung saan galing ang mga saging na papasok sa kanilang harina. Gayunpaman, kamakailang sumang-ayon ang maraming mga pangunahing sagingero sa mga patakaran sa patas na kalakalan, na ipinakitang nakadaragdag ang kapakanan ng manggagawa.[29]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Coghlan, Lea. “Business goes bananas.” Queensland Country Life. May 13th, 2014.
- ↑ Gray, Nathan. “Pasta goes bananas: Green banana flour offers gluten-free pasta solutions.” [foodnavigator.com], June 25th, 2012.
- ↑ Langkilde, Anna Maria, et al. “Effects of high-resistant-starch banana flour (RS2) on in vitro fermentation and small-bowel excretion of energy, nutrients, and sterols: an ileostomy study.” American Journal of Clinical Nutrition. January 2002, 75:2, page 104-111.
- ↑ “Homemade Banana Flour and Banana Flour Apple Tea Cake.” Marinya Cottage Kitchen, November 4th, 2013 [1]
- ↑ Ovando-Martinez, Maribel and et al. “Unripe banana flour as an ingredient to increase the undigestible carbohydrates of pasta.” Food Chemistry. 113 (2009), 121-126.
- ↑ “Homemade Banana Flour and Banana Flour Apple Tea Cake.” Marinya Cottage Kitchen, November 4th, 2013 [2]
- ↑ Coghlan, Lea. “Business goes bananas.” Queensland Country Life. May 13th, 2014.
- ↑ Coghlan, Lea. “Business goes bananas.” Queensland Country Life. May 13th, 2014.; Edwards, Jocelyn. “Uganda goes Bananas.” Global Post. April 22nd, 2012. [3]; “Chile: banana flour creates potential for fruit waste.” [freshfruitportal.com], July 8th, 2013. [4]
- ↑ “Chile: banana flour creates potential for fruit waste.” freshfruitportal.com, July 8th, 2013. [5]
- ↑ Sinha, Nirmal. Handbook of Food Products Manufacturing, 2 Volume Set. John Wiley & Sons, 2007. Page 873.
- ↑ Wilson, David Scofield, and Angus K. Gillespie, eds. Rooted in America: Foodlore of Popular Fruits and Vegetables. Univ. of Tennessee Press, 1999. Pages 28-29.
- ↑ Wilson, David Scofield, and Angus K. Gillespie, eds. Rooted in America: Foodlore of Popular Fruits and Vegetables. Univ. of Tennessee Press, 1999. Pages 28-29.
- ↑ Crofts, Natalie. “Utah company’s banana flour hits shelves for gluten free cooking.” KSL, February 14th, 2014.; Coghlan, Lea. “Business goes bananas.” Queensland Country Life. May 13th, 2014.
- ↑ Ovando-Martinez, Maribel and et al. “Unripe banana flour as an ingredient to increase the undigestible carbohydrates of pasta.” Food Chemistry. 113 (2009), 121-126.
- ↑ Ovando-Martinez, Maribel and et al. “Unripe banana flour as an ingredient to increase the undigestible carbohydrates of pasta.” Food Chemistry. 113 (2009), 121-126.
- ↑ Anyasi, Tonna A.; Jideani, Afam I.O.; Mchau, Godwin R.A. (10 Set 2013). "Functional properties and postharvest utilization of commercial and noncommercial banana cultivars". Comprehensive Reviews in Food Science and Food Safety. 12 (5): 509–522. doi:10.1111/1541-4337.12025.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zhang, Pingyi; Whistler, Roy L.; BeMiller, James N. (15 Dis 2005). "Banana starch: production, physiocochemical properties, and digestibility - a review". Carbohydrate Polymers. 59 (4). doi:10.1016/j.carbpol.2004.10.014.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sajilata, M.G. and et. al. “Resistant Starch- A Review.” Comprehensive Reviews in Food Science and Food Safety. Vol 5, 2006.
- ↑ Ovando-Martinez, Maribel and et al. “Unripe banana flour as an ingredient to increase the undigestible carbohydrates of pasta.” Food Chemistry. 113 (2009), 121-126.
- ↑ Le Dividich, J. and et. al. “Using waste bananas as animal feed.” Food and Agriculture Organization of the United Nations. [6] Naka-arkibo 2015-09-24 sa Wayback Machine.
- ↑ “Dynasty Banana Flour Trading.” importers.com [7] Naka-arkibo 2014-10-12 sa Wayback Machine.; “Banana Juice Powder.” Taj Agro Products.
- ↑ Watson, Elaine. "Green banana flour: a powerful new tool in the digestive health toolbox?". William Reed. Nakuha noong 28 Nobyembre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hudson, Sarah. "Natural Evolution Foods: adding value to Queensland bananas". News Corp Australia. Nakuha noong 28 Nobyembre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zhang, Pingyi and et. al. “Banana starch: production, physicochemical properties, and digestibility- a review.” Carbohydrate Polymers. Vol. 59 (2005), pages 443-458.
- ↑ Zhang, Pingyi and et. al. “Banana starch: production, physicochemical properties, and digestibility- a review.” Carbohydrate Polymers. Vol. 59 (2005), pages 443-458.
- ↑ “Chile: banana flour creates potential for fruit waste.” freshfruitportal.com, July 8th, 2013. [8]
- ↑ “Chile: banana flour creates potential for fruit waste.” freshfruitportal.com, July 8th, 2013. [9]
- ↑ Zuniga-Arias, Guillermo, and F. Sáenz Segura. "The impact of fair trade in banana production of Costa Rica." The impact of Fair Trade. The Netherlands: Wageningen Academic Publishers (2008): 99-116.
- ↑ Zuniga-Arias, Guillermo, and F. Sáenz Segura. "The impact of fair trade in banana production of Costa Rica." The impact of Fair Trade. The Netherlands: Wageningen Academic Publishers (2008): 99-116.