Si Hatshepsut o Hatchepsut ay isang reyna ng Ehiptong namuno sa Ehipto mula 1503 BK hanggang 1482, na naging isa sa dalawang mga pinakatanyag na mga pinunong Ehipsiyong nagpadala ng ekspedisyong pangkalakalan sa Lupain ng Punt na nasa baybayin ng Dagat na Pula. Si Haring Mentohotep III ang isa pa.[3]

Talambuhay

baguhin

Nang mamatay ang pang-apat na paraon ng Ika-18 Dinastiyang (mga 1492 hanggang 1479 BK) si Thutmose II noong 1479 BK, napunta ang pamagat bilang hari sa kanyang anak na lalaking si Thutmose III, isang labindalawang taong gulang pa lamang na bata noon. Anak ni Thutmose II si Thutmose III sa isang mababang asawa lamang, sapagkat wala siyang mga anak na lalaking nabuhay sa pangunahing asawang si Reyna Hatshepsut. Dahil sa murang edad ni Thutmose III, pinangalanan si Reyna Hatshepsut, ina-inahan o madrasta ni Thutmose III, bilang rehiyente ng batang hari. Sa loob ng pagdaan ng ilang mga taon, ipinahayag ni Hatshepsut ang kanyang pagiging paraon ng sinaunang Ehipto. Iginiit niyang si Thutmose I, na kanyang ama, ang talagang pumili para kay Hatshepsut na maging kapalit ni Thutmose II, noong nabubuhay pa si Thutmose I. Si Hatshepsut ay isa ring kalahating kapatid o kapatid sa ina ng asawang niyang si Thutmose II. Dahil sa pagiging paraon ni Hatshepsut, naantala ng dalawang dekada ang pagkahari ng bata pang si Thutmose III.[4]

Kasuotan ng reynang naging hari

baguhin

Batay sa mga natagpuang mga wangis o istatuwa ni Hatshepsut, karaniwang nilalarawan si Hatshepsut bilang isang lalaking hari, sa halip na babaeng naghahari. Sa mga paglalarawan ng mga manlililok, mayroon siyang katawan ng isang lalaki at nakasuot ng mga damit, putong, at tapis na para sa mga lalaking paraon. Kung minsan, nilalagyan siya ng mga mang-uukit ng huwad na balbas na pangseremonya lamang. Kapag binasa ang mga panitik na nakatatak sa mga wangis i istatuwa ni Hatshepsut, tinutukoy siya ng mga salita bilang isang "lalaking may karangalan" o His Majesty sa Ingles. Madalas din siyang inilalarawan bilang isang sphinx. Mayroon ding isang istatuwa na nagpapakitang mayroon siyang hawak na tig-isang palayok o plorera sa magkabilang kamay habang nakaluhod upang makilahok sa pagpaparangal sa diyos na araw. Sa nakaugalian ng sinaunang mga Ehipto, tanging isang lalaking paraon lamang ang nakaluluhod sa harap ng diyos na araw, at lumuluhod ang paraon sa sinumang iba pang mortal. Sa kabila nito, may ilang mga rebulto ring naglalarawan kay Hatshepsut bilang isang babaeng may balingkinitang kayarian ng katawan at may mga suso.[4]

[4]

Ang ekspedisyon

baguhin

Isinagawa ni Hatshepsut ang pagpapadala ng ekspedisyon sa Lupain ng Punt noong 500 mga taon pagkaraan ng ekspedisyong ipinasagawa ni Mentohotep III noong mga 2000 BK. Nagpadala siya ng isang plotang may limang mga barko papunta sa Lupain ng Punt (kasaluyang kinalalagyan ng Etiyopya, Djibouti, at hilagang Somalya), isang lupaing mayaman sa ginto, garing, at mga panimpla. Batay sa nakaukit na mga panitik o sagisag sa loob ng kanyang templong libingan o mortuwaryong nasa Deir el-Bahri at malapit sa Luxor, naglalaman ang kanyang mga pinaglakbay na mga barko ng mga mababangong mga kahoy, mga bakulaw, mga aso, mga balat ng pantera, at buhay na mga puno ng mira.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Queen Hatshepsut". Phouka. Nakuha noong 13 Abril 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Wilford, John Noble (Hunyo 27, 2007). "Tooth May Have Solved Mummy Mystery". New York Times. Nakuha noong Hunyo 29, 2007. A single tooth and some DNA clues appear to have solved the mystery of the lost mummy of Hatshepsut, one of the great queens of ancient Egypt, who reigned in the 15th century B.C.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Sent a Trading Expedition to the Land of Punt?, Mentohotep III', at Queen Hatshepsut". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 12.
  4. 4.0 4.1 4.2 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Hatshepsut: The Woman Who Would Be King". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), The New Kingdom, The Art of Ancient Egypt, Art and Society, pahina 71.