Mentuhotep III

(Idinirekta mula sa Mentohotep III)

Si Mentohotep III o Mentuhotep III ay isang hari ng Ehiptong naging isa sa dalawang pinakatanyag na mga pinuno ng Ehiptong nagpadala ng ekspedisyong pangkalakalan sa Lupain ng Punt na nasa baybayin ng Dagat na Pula. Si Reyna Hatshepsut ang isa pa.[3]

Ang ekspedisyon

baguhin

Noong mga 2000 BK, nagpadala ang ikatlong haring Mentohotep ng ekspedisyong pangkalakalan sa Lupain ng Punt (kasaluyang kinalalagyan ng Etiyopya, Djibouti, at hilagang Somalya), isang lupaing mayaman sa ginto, garing, at mga panimpla. Isinagawa niya ito sa pamamagitan ng pagdaan o paglalayag sa dagat, sa halip na ang paglalakbay sa lupa lamang, ang dating gawi sa pakikipagkalalan sa pagitan ng Ehipto at ng Lupain ng Punt. Nagpadala siya ng isang barko para sa layuning ito.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. King List (chronological)
  2. Clayton, Peter A. Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. Thames & Hudson. p. 72. 2006. ISBN 0-500-28628-0
  3. 3.0 3.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Sent a Trading Expedition to the Land of Punt?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 12.