Hachinohe
Ang Hachinohe (八戸市 Hachinohe-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aomori, Hapon.
Hachinohe 八戸市 | |||
---|---|---|---|
Gusaling panlungsod ng Hachinohe | |||
| |||
Kinaroroonan ng Hachinohe sa Prepektura ng Aomori | |||
Mga koordinado: 40°30′44.2″N 141°29′18.2″E / 40.512278°N 141.488389°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Tōhoku | ||
Prepektura | Aomori | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Makoto Kobayashi | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 305.56 km2 (117.98 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Abril 1, 2020) | |||
• Kabuuan | 226,541 | ||
• Kapal | 740/km2 (1,900/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
Mga sagisag ng lungsod | |||
- Puno | Japanese yew | ||
- Bulaklak | Krisantemo | ||
- Ibon | Black-tailed gull | ||
Bilang pantawag | 0178-43-2111 | ||
Adres | 1-1-1 Uchimaru, Hachinohe-shi, Aomori-ken 031-8686 | ||
Mga mabilisang daanan | |||
Websayt | Opisyal na websayt |
Magmula noong 1 Abril 2020[update], mayroon tinatayang 226,541 katao ang lungsod at 732 katao kada kilometro kuwadrado sa 108,889 mga kabahayan,[1] kaya pangalawang pinakamalaking lungsod ito sa prepektura ng Aomori batay sa populasyon. May kabuoang sukat na 305.56 square kilometre (117.98 mi kuw) ang lungsod.
Kasaysayan
baguhinTinitirhan na ang lugar na palibot ng Hachinohe mula noong kapanahunang prehistoriko, at isa itong pangunahing sentro ng populasyon para sa mga Emishi. Maraming mga labi buhat sa panahong Jōmon ang natuklasan sa mga hangganan ng Hachinohe. Nominal na nasa kapangyarihan ng Hilagang Fujiwara ang lugar noong panahong Heian, at naging bahagi ng mga lupang inuupahan na ginawad sa angkang Nanbu pagkaraang talunin ni Minamoto no Yoritomo ang Hilagang Fujiwara noong panahong Kamakura. Nagtatag ang Nanbu ng maraming mga rantso ng kabayo, kasabay ng nakukutaang mga pamayanang tinakdaan ng bilang. Noong panahong Edo, ito ay unang bahagi ng Dominyong Morioka, ngunit noong 1664 pinahintulutan ng kasugunang Tokugawa ang paglikha ng isang hiwalay na 20,000 koku na Dominyong Hachinohe para sa isang nakababatang linya ng angkang Nanbu. Umunlad ang bayan bilang isang bayang kastilyo na nakasentro sa Kastilyo ng Hachinohe, at nagsilbing maliit na sentrong pangkomersiyo at pantalan para sa mga pangisdaan sa labas ng timog-silangang Hokkaido. Sa kasalukuyan, naglilingkod pa rin sa industriyang pangingisda ang pantalan gayon din sa ilang pandaigdig na mga barkong pangkargamento.
Pagkaraan ng pagpapanumbalik ng Meiji, binuwag ang Dominyong Hachinohe, at pinalitan ito ng Prepektura ng Hachinohe, na sinanib sa Prepektura ng Aomori paglaon. Unang nagkaroon ng pagtatalo kung dapat sa Hachinohe o sa Hirosaki ang kabisera ng bagong-tatag na Prepektura ng Aomori. Subalit dahil sa malakas na tunggalian sa pagitan ng dating dominyo ng Nanbu at dating dominyo ng Tsugaru, ipinasya ng pamahalaang Meiji na magtayo ng bagong bayang tinawag na Aomori sa isang napapagitnang lokasyon, at italaga itong kabisera ng prepektura.
Bunsod ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad sa panahong Meiji noong Abril 1, 1889, itinatag ang bayan ng Hachinohe mula sa Distrito ng Sannohe. Noong 1901, sumanib ito sa kalapit na Chōja, at noong Mayo 1, 1929, sumanib naman ito sa karatig na mga nayon ng Konakano, Minato, at Same upang makabuo ng lungsod ng Hachinohe. Lumawak pa ang lungsod nang idinagdag nito ang nayon ng Shimonaganawashiro noong 1942; Korekawa noong 1954; Ichikawa, Kaminaganawashiro, Tachi, at Toyosaki noong 1955; at Odate noong 1958.
Noong pananakop ng mga Amerikano sa Hapon kasunod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, matatagpuan sa Hachinohe ang isang base ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos, ang Kampo Haugen na tahanan ng Ikapitong Dibisyon. Matatagpuan sa base ang isang himpilang radyo ng Serbisyong Radyo ng Sandatahang Lakas, na kilala bilang AFRS Hachinohe. Noong 1950, pagkaraan ng paglusob ng Hilagang Korea sa Timog Korea, umalis ang mga kawal mula sa Kampo Haugen papuntang Korea. Binago ng AFRS Hachinohe ang mga pagsasahimpapawid nito upang isali ang Timog Korea para makinabang ang mga Amerikano sa mga programang pagbabalita at panlibangan nito. Kalakip ng pag-alis ng huling mga hukbong Amerikano mula sa Hachinohe noong 1956, inilipat ang base sa Japan Ground Self-Defense Force at opisyal na itinalaga ito bilang JGSDF Camp Hachinohe.[2]
Noong Marso 31, 2005, sinanib sa Hachinohe ang nayon ng Nangō (mula sa Distrito ng Sannohe).
Noong Marso 2011, isa ang lungsod sa mga pamayanang tinamaan ng tsunami sa Hapon noong 2011. Inihagis papaloob ang malaking mga bangkang pangisda at napinsala ang lugar ng pantalan. Humigit-kumulang 100 mga kabahayan ang nawasak.[3] Sumama sa mga manggagawang Hapones ang mga maninisid mula sa barkong Safeguard ng Hukbong Pandagat ng Estados Unidos upang tumulong sa paglilinis ng pantalan para mapadali ang pagpapadala ng mga tulong sa pamamagitan ng lungsod.[4]
Noong Enero 1, 2017, binigyan ng katayuang core city ang Hachinohe,[5] na may mas-malaking pampook na pagsasarili.
Klima
baguhinDatos ng klima para sa Hachinohe (1981–2010) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 2.6 (36.7) |
3.2 (37.8) |
7.0 (44.6) |
13.7 (56.7) |
18.3 (64.9) |
20.6 (69.1) |
24.3 (75.7) |
26.5 (79.7) |
23.1 (73.6) |
17.9 (64.2) |
11.6 (52.9) |
5.5 (41.9) |
14.5 (58.1) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −0.9 (30.4) |
−0.5 (31.1) |
2.7 (36.9) |
8.5 (47.3) |
13.1 (55.6) |
16.2 (61.2) |
20.1 (68.2) |
22.5 (72.5) |
18.9 (66) |
13.0 (55.4) |
6.9 (44.4) |
1.8 (35.2) |
10.2 (50.4) |
Katamtamang baba °S (°P) | −4.2 (24.4) |
−4 (25) |
−1.3 (29.7) |
3.8 (38.8) |
8.7 (47.7) |
12.8 (55) |
17.1 (62.8) |
19.3 (66.7) |
15.2 (59.4) |
8.5 (47.3) |
2.6 (36.7) |
−1.6 (29.1) |
6.4 (43.5) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 42.8 (1.685) |
40.1 (1.579) |
52.0 (2.047) |
64.3 (2.531) |
89.3 (3.516) |
105.8 (4.165) |
136.1 (5.358) |
128.8 (5.071) |
167.6 (6.598) |
87.2 (3.433) |
62.0 (2.441) |
49.1 (1.933) |
1,025.1 (40.357) |
Balasaking pag-niyebe cm (pulgada) | 77 (30.3) |
75 (29.5) |
47 (18.5) |
3 (1.2) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
6 (2.4) |
40 (15.7) |
248 (97.6) |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 70 | 70 | 67 | 65 | 71 | 81 | 83 | 82 | 79 | 73 | 70 | 70 | 73.4 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 130.8 | 129.6 | 168.1 | 188.9 | 197.0 | 167.7 | 148.5 | 167.1 | 143.6 | 161.3 | 133.3 | 124.5 | 1,860.4 |
Sanggunian: Japan Meteorological Agency |
Demograpiya
baguhinAyon sa datos ng senso sa Hapon:[6]
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1960 | 184,680 | — |
1970 | 216,955 | +17.5% |
1980 | 245,617 | +13.2% |
1990 | 247,983 | +1.0% |
2000 | 248,608 | +0.3% |
2010 | 237,473 | −4.5% |
Mga kapatid na lungsod
baguhin- Federal Way, Washington, Estados Unidos
- Lanzhou, Gansu, Tsina – mula noong Abril 1998[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 八戸市ウェブサイト -Hachinohe city-. Government of Hachinohe City.
- ↑ "511th History". www.thedropzone.org.
- ↑ Flack, T. D., "Misawa residents pull clean-up duty at nearby fishing port", Stars and Stripes, 17 March 2011, retrieved 18 March 2011.
- ↑ Johnson, Christopher, "U.S. Helps Clear Vital Japan Harbor", Washington Times, 27 March 2011, retrieved 30 March 2011.
- ↑ Ministry of Internal Affairs and Communications of Japan, official home page(sa Hapones)
- ↑ "Aomori / 青森県 (Japan): Prefecture, Cities, Towns and Villages - Population Statistics, Charts and Map". www.citypopulation.de.
- ↑ "Hachinohe City official home page". Sister City: Lanzhou, Gansu, China (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Nobyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhinGabay panlakbay sa Hachinohe mula sa Wikivoyage
- Opisyal na websayt (sa Hapones)