Hawaii
Ang Hawaii ( /həˈwaɪi/ hə-WY-ee; Hawayano: Hawaiʻi [həˈvɐjʔi] o [həˈwɐjʔi]) o Haway ay isang estado sa Kanluraning Estados Unidos, na matatagpuan sa Karagatang Pasipiko at mga 2,000 milya (3,219 kilometro) mula sa kalupaang Estados Unidos. Ito lamang ang estado ng Estados Unidos na nasa labas ng Timog Amerika, ang tanging estado na isang kapuluan, at ang nag-iisang estado sa tropiko. Isa din ang Hawaii sa ilang estado ng Estados Unidos na naging malayang bansa bago sumali sa Unyon.[1]
Hawaii | |||
---|---|---|---|
| |||
Bansa | Estados Unidos | ||
Sumali sa Unyon | () | ||
Pinakamalaking lungsod | {{{LargestCity}}} | ||
• Mataas na kapulungan | {{{Upperhouse}}} | ||
• [Mababang kapulungan | {{{Lowerhouse}}} | ||
Mga senador ng Estados Unidos | {{{Senators}}} | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | {{{2,000Pop}}} | ||
Wika |
Binubuo ang Hawaii ng halos lahat ng buong kapuluang Hawaii, na 137 pulong mabulkan na sumasaklaw sa 1,500 milya (2,400 km) na pisiyograpiko at etnograpikong bahagi ng subrehiyong Polinesya ng Oseaniya.[2] Ikaapat na pinakamahaba sa Estados Unidos ang baybay-dagat nito na nasa mga 750 milya (1,210 km).[a] Ang walong pangunahing pulo, mula hilagang-kanluran hanggang timog-silangan, ay Niʻihau, Kauaʻi, Oʻahu, Molokaʻi, Lānaʻi, Kahoʻolawe, Maui, at Hawaiʻi, na dito ipinangalan ang estado; kadalasang tinatawag itong "Big Island" (o Malaking Pulo) o "Hawaii Island" (Pulong Haway) upang maiwasang malito sa estado o kapuluan. Binubuo ng karamihan ng Pambansang Monumento ng Marinong Papahānaumokuākea, ang pinakamalaking nakaprotektang lugar ng bansa at ikatlo sa pinakamalaki sa mundo.
Punong pulo
baguhinAng 8 punong pulo.
Pulo | Lawak | Populasyon (2000) | Densidad |
---|---|---|---|
Hawaiʻi | 10,432.5 km² | 148,677 | 14/km² |
Maui | 1,883.4 km² | 117,644 | 62/km² |
Kahoʻolawe | 115.5 km² | 0 | 0/km² |
Lānaʻi | 363.9 km² | 3,193 | 9/km² |
Molokaʻi | 673.4 km² | 7,404 | 11/km² |
Oʻahu | 1,545.4 km² | 876,151 | 567/km² |
Kauaʻi | 1,430.5 km² | 58,303 | 41/km² |
Niʻihau | 180.0 km² | 160 | 1/km² |
Kapuluan ng Hawaii
baguhinAng Kapuluan ng Hawaii (Ingles: Hawaiian Islands), dating kilala bilang Kapuluang Sandwich, ay bumubuo ng isang kapuluan ng 19 na mga pulo at mga karang, maraming mga mas maliliit na mga pulo, at pang-ilalim ng dagat na mga dagat-bundok na pagawi sa hilagang-kanluran sa pamamagitan ng timog-silangang sa Hilaga ng Karagatang Pasipiko sa pagitan ng mga latitud na 19° N at 29° N. Kinuha ang pangalan ng kapuluan mula sa pinakamalaking pulo ng pangkat at umaabot sa mga 1,500 milya (2,400 kilometro) mula sa Pulo ng Hawaiʻi sa timog hanggang pinakalagaha ng Karang na Kure. Hindi kabilang ang Karang na Midway, na hindi kasanib na nasasakupan ng Estados Unidos, ang Kapuluang Hawayano ang bumubuo sa Estado ng Hawaii ng Estados Unidos.
Mga pananda
baguhin- ↑ Pagkatapos ng Alaska, Florida, at Californiaa.
Mga kaugnay na pahina
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Sovereign States of America: 10 States That Started as Free Countries & How They Joined the Union". Ammo.com (sa wikang Ingles). Abril 30, 1900. Nakuha noong Enero 17, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Is Hawaii a Part of Oceania or North America?". WorldAtlas (sa wikang Ingles). Enero 12, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 11, 2019. Nakuha noong Hunyo 24, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Mayroong datos pang-heograpiya ang OpenStreetMap tungkol sa Hawaii
- Opisyal na website (sa Ingles)