Heograpiyang pisikal
Ang heograpiyang pisikal, tinatawag ding mga geosistema o heosistema, ay isa sa dalawang pangunahing mga kabahaging larangan ng heograpiya.[1] Isa itong sangay ng likas na agham na nakatuon sa pag-aaral ng mga proseso at mga gawi sa likas na kapaligiran na katulad ng atmospera, biyospera, at geospera (heospera), na kabaligtaran ng kapaligirang itinayo o kapaligirang kultural, ang dominyo o sakop ng heograpiyang pangtao.
Sa loob ng katawan ng heograpiyang pisikal, ang Daigdig ay madalas na hinahati sa ilang mga espero o mga kapaligiran, kung saan ang pangunahing mga espero ay ang atmospera, biyospera, kriyospera, hidrospera, litospera, at pedospera. Kalimitang interdisiplinaryo ang pananaliksik na ginagawa sa heograpiyang pisikal, at ginagamit ang pagharap sa mga sistema (systems approach kung tawagin sa Ingles).
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.