Si Hawkgirl ay pangalan ng ilang kathang-isip na mga superheroine na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Ang orihinal na Hawkgirl, si Shiera Sanders Hall, ay nilikha ng manunulat na si Gardner Fox at tagaguhit na si Dennis Neville, at unang lumabas sa Flash Comics #1 (Enero 1940). Si Shayera Hol ay nilikha ng manunulat na si Gardner Fox at ang tagaguhit na si Joe Kubert, at unang lumabas sa The Brave and the Bold #34 (Marso 1961). Si Kendra Saunders ay nilikha ng manunulat na si David S. Goyer at tagaguhit na si Stephen Sadowski, at unang lumabas sa JSA: Secret Files and Origins #1 (Agosto 1999). Isa sa mga naunang mga superheroine, lumabas si Hawkgirl sa maraming pangunahing pagtatambal ng kompanya na mga titulo kabilang ang Justice Society of America at Justice League of America.

Lumabas ang ilang sa mga bersyon ni Hawkgirl sa DC Comics, nakikilala ang lahat sa kanila sa pamamagitan ng paggamit ng lumang sandata at artipisyal na pakpak, na nakakabit sa isang singkaw na gawa mula sa natatanging metal na ika-N na pinapahintulot ang paglipad. Karamihan sa mga bersyon ni Hawkgirl ay nakikipagtulungan kasama ang si Hawkman bilang katambal/romantikong interes.

Yayamang nasulat muli ang pagpapatuloy ng serye noong 1985 na Crisis on Infinite Earths, naging magulo ang kasaysayan ni Hawkgirl sa ilang mga bagong bersyon ng karakter na lumabas sa paglipas ng panahon, ang ilan ay naiugnay sa sinaunang Ehipto at ang ilan sa kathang-isip na planetang Thanagar. Naitampok ang mga bersyon ng karakter na ito sa ilang serye ng iba't ibang panahon.

Nagkaroon ng adaptasyon si Hawkgirl sa iba't ibang mga medya, kabilang ang diretso-sa-bidyong animasyong pelikula, larong bidyo at parehong totoong-tao at animasyong seryeng pantelebisyon, na tinatampukan bilang ang pangunahin o umuulit-ulit na karakter sa mga palabas na Justice League Animated, Justice League Unlimited, The Flash, Arrow, Young Justice, DC Super Hero Girls at DC's Legends of Tomorrow. Gumanap si Ciara Renée bilang Hawkgirl sa totoong-taong palabas na Arrowverse.

Kasaysayan ng paglalathala

baguhin

Golden Age

baguhin

Nilikha ng manunulat na si Gardner Fox at ng tagaguhit na si Dennis Neville, unang lumabas si Shiera Sanders sa Flash Comics #1 (Enero 1940), sa parehong 12-pahinang istorya na kung saan ipinakilala nina Fox at Neville si Hawkman.[1] Unang lumabas si Shiera bilang si Hawkgirl sa All Star Comics #5 (Hulyo 1941), sa isang kasuotan na nilika niy Sheldon Moldoff,[2] na batay sa kasuotan ng Hawkman ni Neville.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Flash Comics #1 sa Grand Comics Database (sa Ingles)
  2. Hawkgirl sa Grand Comics Database (sa Ingles)