Haykap na galing-paniki
Ang haykap na galing-paniki ay anumang haykap na ang pangunahing tipunan ay anumang sarihay ng paniki. Kasama sa mga sarihay ng haykap ang haykap-corona, haykap-hanta, haykap-lyssa, haykap-SARS corona, haykap-rabis, haykap-nipah, haykap-lassa, haykap-Henipa, haykap-Ebola at haykap-Marburg. Ang mga haykap na galing-paniki ay kabilang sa mga pinakamahalagang lumilitaw na mga haykap.[1][2][3]
Paghahawa
baguhinAng mga haykap na galing-paniki ay hinahatid sa pamamagitan ng kagat at laway ng paniki, pati na rin sa pag-eerosol ng laway, tae, at/o ihi. Tulad ng haykap-rabis, ang mga bagong lumilitaw na mga haykap na galing-paniki ay maaaring ipasa nang direkta sa mga tao sa pamamagitan ng mga paniki. Kabilang dito ang haykap-Ebola, SARS, at ang Chinese respiratory syndrome coronavirus.[4][5]
Iniwang di-pinansin at di-ginamot, mga ilang oras hanggang ilang taon ang agwat mula sa paghahatid ng haykap-rabis hanggang sa paglitaw nito sa mga biktima. Hindi alam ng karamihan sa mga biktima na nakagat sila ng paniki o nakalantad sa yago ng paniki. Maaaring mangyari ito dahil sa kakulangan ng kamalayan ng pagkakaroon ng paniki sa parehong lugar, tulad ng tuwing natutulog, walang naramdamang kagat kung alam na mayroong paniki, at/o pagkakalantad sa laway, ihi, at/o tae ng paniki sa mga saradong kapaligiran. Kasama rito ang mga kuweba at tirahan ng tao na tulad ng mga atik, silong, kamalig at tangkil. [6][7]
Kadaliang mahawaan ang paniki ng haykap
baguhinPinaniniwalaan na madaling mahawaan ng haykap ang mga painiki dahil sa kanilang gawi sa paghapon, siklo sa pag-aanak, ngibambayan, at mahabang pagtulog. Bilang karagdagan, kilala ang mga paniki dahil mas mahawain sila ng mga haykap kaysa sa iba pang mga mamal. Pinaniniwalaang dahil ito sa mas maikling kalahatimbuhay ng kanilang antibody. Ipinakita rin na mas madaling mahawa muli ang mga paniki sa parehong mga haykap, samantalang ang iba pang mga mamal, lalo na ang mga tao, ay may mas malaking propensidad sa pagbubuo ng iba't ibang antas ng imyunidad.[8][9]
Paniki laban sa mga wangis-daga bilang imbakan
baguhinMas marami ang ikinakargang hayak ng mga paniki kaysa sa mga wangis-daga at may kakayahan silang magkalat ng sakit sa mas malawak na heograpikong dako dahil sa kanilang kakayahang lumipad at ang kanilang mga huwaran ng paghapon at pangngibambayan. Bilang karagdagan, pinapaboran ng ilang mga sarihay ng paniki, tulad ng myotis lucifugus, ang mga pugahan sa mga puwang ng atik ng mga tahanan ng tao kung saan madalas nilang salakayin ang mga puwang sa ibang bahagi ng istraktura. Ito ang nagpapaugnay sa kanila sa mga tao. Ang mga wangis-daga, sa kabilang banda, ay higit na limitado sa kanilang heograpikong dako at humahanap ng pana-panahon na kanlungan sa mga lungga at sa mga tahanan at mga gusali sa kagyat na lugar.[10][11][12]
Mga haykap-paniki
baguhinHaykap-corona
baguhinAng pagsiklab noong 2002 ng severe acute respiratory syndrome (SARS), at ang pagsiklab noong 2012 ng Middle East respiratory syndrome ay natuntong nanggaling sa mga paniki.[13][14] Ang mga coronavirus ay positibong-sentido, isahang-strandong haykap-RNA na may apat na urihay, haykap-Alphacorona, haykap-betacorona, haykap-gammacorona, at mga haykap-deltacorona. Sa apat na ito, galing-paniki ang mga haykap-alphacorona at haykap-betacorona.[15][16][17]
Noong 2020, isang palengke na nagbebenta ng mailap na hayop (tinatawag na ye wei Tsino: 野味) sa Wuhan, Tsina ay naiugnay sa pagsiklab ng 2019-nCoV haykap-corona.[18] Sa pamamagitan ng kamanahing pagsusuri, nahanap noong una ng mga dalub-agham na kahawig ang haykap-corona ng mga haykap na karaniwang matatagpuan sa mga paniki.[19][20] Natuklasan ng mga kasunod na pagsusuring kamanahin na maaaring nailipat ang haykap sa mga tao mula sa mga ahas na sa huli ay maaaring nahawaan ng haykap mula sa mga paniki sa palengke kung saan naibenta ang dalawang sarihay.[21][22] Gayunman, may mga alalahanin din mula sa pamayanang pang-agham tungkol sa katotohanan ng diskarteng kamanahin na ginamit (pagkiling ng paggamit sa kodon).[23][24][25]
Haykap-rabis (angkanhay Rhabdoviridae, urihay Lyssavirus)
baguhinKahit hindi natatangi ang paniki sa mga mamal na kumakarga ng rabis,[26] kilala ang mga ito sa pagdala at paghatid ng sakit.[27] Halimbawa, pinanggalingan ang mga ito ng mga pagkamatay ng rabis sa Estados Unidos na nagreresulta sa isa hanggang dalawang pagkakahawa bawat taon sa nasabing bansa.[28] Sa ngayon, ang mga aso ay ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng tao sa rabis na nag-aambag ng hanggang sa 99% ng lahat ng paghahatid ng rabis sa mga tao ayon sa Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan.[29]
Haykap-hanta
baguhinAng mga haykap-hanta na karaniwang matatagpuan sa mga wangis-daga at musaranya, ay natuklasan sa dalawang sarihay ng mga paniki. Nabukod ang haykap-Mouyassué (MOUV) mula sa mga neoromicia nana na nahuli malapit sa nayon ng Mouyassué sa Cote d'Ivoire, Kanlurang Aprika. Nabukod ang haykap-Magboi mula sa nycteris hispida na natagpuan malapit sa Ilog Magboi sa Sierra Leone noong 2011. Ang mga ito ay isahang-strando, negatibong sentido, haykap-RNA sa angkanhay Bunyaviridae.[30][31][32][33]
Haykap-henipa
baguhinAng haykap-henipa ay isang urihay ng mga haykap-RNA sa angkanhay Paramyxoviridae, sunudhayMononegavirales na naglalaman ng limang itinatag na sarihay. Likas na ikinakarga ang mga hakap-henipa ng mga batter ng mga maraming sarihay ng pteropus at microchiroptera.[34]
Haykap-filo
baguhinResponsable ang mga haykap-filo para sa mga nakamamatay na impeksyong pagdurugo sa mga tao at unggoy. Kabilang dito ang haykap-Marburg (MARV) at haykap-Ebola (EBOV).
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Calisher, Charles H.; Childs, James E.; Field, Hume E.; Holmes, Kathryn V.; Schountz, Tony (Hulyo 2006). "Bats: Important hosts of emerging viruses". Clin Microbiol Rev. 19 (3): 531–545. doi:10.1128/CMR.00017-06. PMC 1539106. PMID 16847084.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sumibcay, L; Kadjo, B; Gu, SH; Kang, HJ; Lim, BK; Cook, JA (2012). "Divergent lineage of a novel hantavirus in the banana pipistrelle (Neoromicia nanus) in Côte d'Ivoire". Virol J. 9: 34. doi:10.1186/1743-422x-9-34. PMC 3331809. PMID 22281072.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Weiss, S; Witkowski, PT; Auste, B; Nowak, K; Weber, N; Fahr, J (2012). "Hantavirus in bat, Sierra Leone". Emerg Infect Dis. 18: 159–61. doi:10.3201/eid1801.111026. PMC 3310113. PMID 22261176.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Leroy, E. M.; Kumulungui, B.; Pourrut, X.; Rouquet, P.; Hassanin, A.; Yaba, P.; Delicat, A.; Paweska, J. T.; Gonzalez, J. P.; Swanepoel, R. (2005). "Fruit bats as reservoirs of Ebola virus". Nature. 438: 575–576. doi:10.1038/438575a. PMID 16319873.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Li, W.; Shi, Z.; Yu, M.; Ren, W.; Smith, C.; Epstein, J. H.; Wang, H.; Crameri, G.; Hu, Z.; Zhang, H.; Zhang, J.; MacEachern, J.; Field, H.; Daszak, P.; Eaton, B. T.; Zhang, S.; Wang, L. F. (2005). "Bats are natural reservoirs of SARS-like coronaviruses". Science. 310: 676–679. doi:10.1126/science.1118391. PMID 16195424.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Altringham, J. D. 1996. Bats: biology and behavior. Oxford University Press, Oxford, England.
- ↑ Rupprecht, C. E.; Gibbons, R. V. (2004). "Clinical practice. Prophylaxis against rabies". N. Engl. J. Med. 351: 2626–2635. doi:10.1056/nejmcp042140.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kuno, G. 2001. Persistence of arboviruses and antiviral antibodies in vertebrate hosts: its occurrence and impacts. Rev. Med. Virol. 11:165-190.
- ↑ Sarkar, S. K., and A. K. Chakravarty. 1991. Analysis of immunocompetent cells in the bat, Pteropus giganteus: isolation and scanning electron microscopic characterization. Dev. Comp. Immunol. 15:423-430.
- ↑ Luis, AD; Hayman, DTS; O'Shea, TJ; Cryan, PM; Gilbert, AT; atbp. (2013). "A comparison of bats and rodents as reservoirs of zoonotic viruses: are bats special?". Proc Biol Sci. 280: 20122753. doi:10.1098/rspb.2012.2753. PMC 3574368. PMID 23378666.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Teeling, EC; Springer, MS; Madsen, O; Bates, P; O'Brien, SJ; atbp. (2005). "A molecular phylogeny for bats illuminates biogeography and the fossil record". Science. 307: 580–584. doi:10.1126/science.1105113. PMID 15681385.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wang, LF; Walker, PJ; Poon, LL (2011). "Mass extinctions, biodiversity and mitochondrial function: are bats 'special' as reservoirs for emerging viruses?". Curr Opin Virol. 1: 649–657. doi:10.1016/j.coviro.2011.10.013.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Memish ZA, Mishra N, Olival KJ, Fagbo SF, Kapoor V, Epstein JH, Alhakeem R, Durosinloun A, Al Asmari M, Islam A, Kapoor A, Briese T, Daszak P, Al Rabeeah AA, Lipkin WI (Nob 2013). "Middle East respiratory syndrome coronavirus in bats, Saudi Arabia". Emerg. Infect. Dis. 19 (11): 1819–23. doi:10.3201/eid1911.131172. PMC 3837665. PMID 24206838.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cui J, Eden JS, Holmes EC, Wang LF (Okt 10, 2013). "Adaptive evolution of bat dipeptidyl peptidase 4 (dpp4): implications for the origin and emergence of Middle East respiratory syndrome coronavirus". Virol. J. 10 (1): 304. doi:10.1186/1743-422X-10-304. PMC 3852826. PMID 24107353.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Woo, P C Y; Lau, S K P; Lam, C S F; atbp. "Discovery of seven novel mammalian and avian coronaviruses in the genus Deltacoronavirus supports bat coronaviruses as the gene source of Alphacoronavirus and Betacoronavirus and avian coronaviruses as the gene source of Gammacoronavirus and Deltacoronavirus". J Virol. 2012 (86): 3995–4008.
- ↑ de Groot R, Baker S, Baric R, et al. Family Coronaviridae. In: Virus Taxonomy: Ninth Report of the International Committee on Taxonomy of Viruses. San Diego, CA: Academic Press, 2012. 806–828
- ↑ Rota, P. A.; Oberste, M. S.; Monroe, S. S.; Nix, W. A.; Campagnoli, R.; Icenogle, J. P.; Penaranda, S.; Bankamp, B.; Maher, K.; Chen, M. H.; Tong, S.; Tamin, A.; Lowe, L.; Frace, M.; DeRisi, J. L.; Chen, Q.; Wang, D.; Erdman, D. D.; Peret, T. C.; Burns, C.; Ksiazek, T. G.; Rollin, P. E.; Sanchez, A.; Liffick, S.; Holloway, B.; Limor, J.; McCaustland, K.; Olsen-Rasmussen, M.; Fouchier, R.; Gunther, S.; Osterhaus, A. D.; Drosten, C.; Pallansch, M. A.; Anderson, L. J.; Bellini, W. J. (2003). "Characterization of a novel coronavirus associated with severe acute respiratory syndrome". Science. 300: 1394–1399. doi:10.1126/science.1085952. PMID 12730500.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nsikan, Akpan (Ene 21, 2020). "New coronavirus can spread between humans—but it started in a wildlife market". National Geographic. Nakuha noong 2020-01-23.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Normile, Dennis (Ene 10, 2020). "Mystery virus found in Wuhan resembles bat viruses but not SARS, Chinese scientist says". Science. Nakuha noong 2020-01-23.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Robertson, David. "nCoV's relationship to bat coronaviruses & recombination signals (no snakes)". Virological.org. Nakuha noong 28 Enero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hamzelou, Jessica (Ene 22, 2020). "Wuhan coronavirus may have been transmitted to people from snakes". New Scientist. Nakuha noong 2020-01-23.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Wei Ji; Wei Wang; Xiaofang Zhao; Junjie Zai; Xingguang Li (2020). "Homologous recombination within the spike glycoprotein of the newly identified coronavirus may boost cross‐species transmission from snake to human". Journal of Medical Virology. doi:10.1002/jmv.25682.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Wiles, Siouxsie (Ene 28, 2020). "The Wuhan coronavirus is highly likely to arrive in NZ, but please don't freak out". Newshub. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-01-28. Nakuha noong 2020-01-28.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Andersen, Kristian. "nCoV-2019 codon usage and reservoir (not snakes v2)". Virological.org. Nakuha noong 28 Enero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Callaway, Ewen; Cyranoski, David (Ene 23, 2020). "Why snakes probably aren't spreading the new China virus". Nature.com. Nakuha noong 2020-01-28.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Rabies still kills". World Organization for Animal Health. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Disyembre 2019. Nakuha noong 27 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rabies Info". Nakuha noong 27 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Learning about bats and rabies". CDC. Nakuha noong 27 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ WHO Rabies Fact Sheet http://www.who.int/mediacentre/factsheets/fs099/en/
- ↑ Weiss S, Witkowski PT, Auste B, Nowak K, Weber N, Fahr J, et al. Hantavirus in bat, Sierra Leone [letter]. Emerg Infect Dis [serial on the Internet]. 2012 Jan
- ↑ Jung YT, Kim GR. Genomic characterization of M and S RNA segments of hantaviruses isolated from bats. Acta Virol. 1995;39:231–3.
- ↑ Calisher, CH; Childs, JE; Field, HE; Holmes, KV; Schountz, T (2006). "Bats: important reservoir hosts of emerging viruses". Clin Microbiol Rev. 19: 531–45. doi:10.1128/cmr.00017-06. PMC 1539106. PMID 16847084.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Krüger DH, Schonrich G, Klempa B. Human pathogenic hantaviruses and prevention of infection. Hum Vaccin. 2011;7:685–93.
- ↑ Li, Y; Wang, J; Hickey, AC; Zhang, Y; Li, Y; Wu, Y; Zhang, Huajun; Han, Zhenggang; McEachern, Jennifer; Broder, Christopher C.; Wang, Lin-Fa; Shi, Zhengli (Disyembre 2008). "Antibodies to Nipah or Nipah-like viruses in bats, China [letter]". Emerging Infectious Diseases. 14 (12): 1974–6. doi:10.3201/eid1412.080359. PMC 2634619. PMID 19046545.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|displayauthors=
ignored (|display-authors=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)