Hayreddin Barbarossa
Si Hayreddin Barbarossa, o Barbarossa Hayreddin Pasha (Turko: Barbaros Hayreddin (Hayrettin) Paşa o Hızır Hayreddin (Hayrettin) Paşa; na nakikilala rin bilang Hızır Reis bago iangat sa ranggong Pasha at naging Kapudan-ı Derya. Ipinanganak siya bilang Khizr o Khidr, Turko: Hızır; c. 1478 – 4 Hulyo 1546), ay isang almirante ng pulutong ng Imperyong Ottomano na ipinanganak sa pulo ng Lesbos at namatay sa Constantinople, ang kabiserang Ottomano. Ang mga tagumpay na panghukbong-dagat ni Barbarossa ang nakapagtiyak ng pangingibabaw ng mga Ottomano sa Mediteraneo noong kalagitnaan ng ika-16 daantaon, mula sa Labanan ng Preveza noong 1538 hanggang sa Labanan ng Lepanto noong 1571.
Hayreddin Barbarossa | |
---|---|
1478, 1484 – 4 Hulyo 1546 | |
Bansag | Barbarossa Red Beard Khair ad-Din Pulang Balbas |
Uri | Ottomano Almirante |
Pook ng kapanganakan | Palaiokipos Lesbos, Imperong Ottomano |
Pook ng kamatayan | Constantinople, Imperyong Ottomano |
Matapat sa/kay | Imperyong Ottomano |
Mga taon ng kasiglahan | c. 1500–1545 |
Ranggo | Almirante |
Himpilan ng mga gawain | Mediteraneo |
Ang "Hayreddin" (Arabe: Khair ad-Din خير الدين, na may literal na kahulugang "kabutihan" o "pinakamahusay ng relihiyon" ng Islam) ay isang pangalang pamparangal na ibinigay sa kaniya ni Sultan Suleiman ang Magnipiko. Nakilala siya bilang "Barbarossa" ("Pulang Balbas" sa Italyano) sa Europa, isang pangalang namana niya mula sa nakatatanda niyang kapatid na lalaking si Baba Oruç (Amang Aruj) pagkaraang mapatay si Aruj sa isang pakikipaglaban sa mga Kastila sa Alheriya. Ang pangalang ito ay parang katunog ng "Barbarossa" ("Pulang Balbas") para sa mga Europeo, at si Aruj ay mayroong ngang isang balbas na kulay pula. Nadikit din ang bansag na ito sa pangalang Turko ni Hayreddin, na nasa anyong Barbaros.[kailangan ng sanggunian]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.