He's Into Her
Ang He's Into Her ay isang 2021 seryeng pantelebisyon sa Pilipinas na ibinatay sa nobelang ginawa ni Maxinejiji sa Wattpad. Ang serye ay pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.[2][3] Ang serye ay unang ipinalabas sa iWantTFC noong 28 Mayo 2021. Pinalabas rin ang serye sa telebisyon sa Kapamilya Channel at A2Z magmula Mayo 30 hanggang 1 Agosto 2021.
He's Into Her | |
---|---|
Uri | |
Isinulat ni/nina |
|
Direktor | Chad Vidanes[1] |
Pinangungunahan ni/nina |
|
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika |
|
Bilang ng kabanata | 10 |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap |
|
Prodyuser |
|
Patnugot | Renard Torres |
Kompanya | Star Cinema |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | |
Picture format | 1080i (HDTV) |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 28 Mayo 1 Agosto 2021 | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Almost Paradise |
Ang serye ay nagkaroon na ng season 2 noong 2022.[4]
Buod
baguhinSi Maxpein ay isang determinadong dalaga na nagmula sa probinsya na pinalaki ng kanyang lola at ng kanyang mga tiyuhin, matapos mamatay ang kanyang ina sa Japan noong siya ay 11 taong gulang pa lamang. Nasurpresa si Maxpein nang ang kanyang mayamang ama, na kamakailan lamang niya nalaman, ay nag-alok na tumulong sa pagbabayad para sa pagpapaospital sa kanyang lola. Bilang pasasalamat, sumang-ayon siya sa hiling nito na manirahan kasama siya at ang kanyang pamilya sa Maynila. Sa kanyang pagpasok sa Brent International School, tinuring siya ng mag-aaral dito bilang isang uring tagalabas, dito din siya tumayo laban kay Deib, ang captain ng basketball varsity team ng paaralan. Upang pagtripan at apihin si Maxpein, nakipagkasundo si Deib sa buong batch nila para isagawa ang planong ito, ngunit sa lalong hindi nila pagkakaunawaan at awayan, ito ang nagpatanto kay Deib na ang kanyang plano laban kay Maxpein, ang siya palang unti-unting magpapalapit ng kanyang damdamin sa babaeng hindi niya inakala na kanyang magugustuhan.
Tauhan
baguhinPangunahing tauhan
baguhin- Donny Pangilinan bilang Deib Lohr Enrile
- Belle Mariano bilang Maxpein Zin del Valle
- Kaori Oinuma bilang Michiko Sil Tarranza
- Rhys Miguel bilang Yakiro Tobi Yanai
- Jeremiah Lisbo bilang Randall Echavez
- Vivoree Esclito bilang Melissa "Ysay" Baylon
- Joao Constancia bilang Lee Roi Gozon
- Criza Taa bilang Zarnaih Marchessa
- Melizza Jimenez bilang Elle Luna
- Sophie Reyes bilang Aimee Jung
- Ashley del Mundo bilang Khloe Gomez
- Gello Marquez bilang Lorde Dawatap
- Dalia Varde bilang Kimeniah Sirvey Gozon
- Limer Veloso bilang Gavin Migz Agripa
Tauhang pang-suporta
baguhin- Marissa Delgado bilang Bhaves del Valle
- Janus del Prado bilang Boyet del Valle
- Richard Quan bilang Maxim Luna
- Issa Litton bilang Macy Luna
- Ana Abad Santos bilang Evita Enrile
- Turs Daza bilang Dale Enrile
- Milo Elmido Jr. bilang Barb
- Jim Morales bilang Choco
- Patrick Quiroz
Espesyal na partisipasyon
baguhin- Dylan Talon
- Jelay Pilones
- Kuya Manzano bilang Headmaster Mendoza
Produksyon
baguhinAng proyekto ay unang inihayag noong 7 Nobyembre 2019.[5][6] Noong 2020, ipinagpaliban ang produksyon ng serye dahil sa pandemya ng COVID-19 at pagsasara ng ABS-CBN.
Noong 2021, inanunsyo na ang serye ay ipapalabas sa Kapamilya Channel at A2Z, at una muna itong ipapalabas sa iWantTFC.
Pagtanggap
baguhinSa unang episode ng He's Into Her, ito ay nakapagtala ng "record-breaking high number of views" sa iWantTFC, sa kabila ng mga isyung teknikal na kinaharap ng nasabing app.[7]
Tingnan din
baguhinMga Sanggunian
baguhin- ↑ "Kdrama feels: 'Weightlifting Fairy Kim Bok-joo', 'CLOY', peg ng 'He's Into Her'". ABS-CBN News. 26 Mayo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Delay helped improve DonBelle chemistry on 'He's Into Her', director Chad Vidanes says". ABS-CBN News. 26 Mayo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The curious case of 'DonBelle': A trending love team even before its launch". ABS-CBN News. 30 Marso 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "It's official: 'He's Into Her' to return for 2nd season". ABS-CBN News. 6 Agosto 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Donny Pangilinan, Belle Mariano team up for new iWant series 'He's Into Her'". ABS-CBN News. 7 Nobyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "IN PHOTOS: The cast of upcoming iWant series 'He's Into Her'". Star Cinema (sa wikang Ingles). 7 Nobyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'He's Into Her' pushes iWant TFC as No. 1 app in PH, with record number of users". ABS-CBN News. 1 Hunyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- He's Into Her sa iWantTFC
- He's Into Her sa IMDb
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2021) |