Heather Morris
Si Heather Elizabeth Morris (ipinanganak noong Pebrero 1, 1987) ay isang Amerikanong artista, mananayaw, at mang-aawit. Kilala siya sa papel niya bilang Brittany S. Pierce sa palabas na Glee.
Heather Morris | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Pebrero 1987[1]
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | mang-aawit, artista, mananayaw, artista sa pelikula, artista sa telebisyon, modelo, direktor ng pelikula |
Maagang Buhay
baguhinSi Morris ay pinanganak sa Thousand Oaks, California, at lumaki sa Scottsdale, Arizona. Nagsimula siyang sumayaw nang isang taong gulang pa lamang siya.[2] Bata pa lang ay sumali na si Morris sa mga paligsahan ng sayaw na may istilong jazz, tap, at contemporary. Namatay ang tatay ni Morris dahil sa cancer nang siya'y labing apat na taong gulang pa lamang. "It's something that is hard for me, because I'm sad about it, but I don't dwell on it," sabi niya sa isang panayam noong Disyembre 2009. "I know he's in a better place, instead of suffering." [3][4] Nang magtapos sa Desert Mountain High School, nagdesisyon siyang magaral sa isang lokal na unibersidad, ngunit napagtanto niyang nasa mali siyang lugar. Kaya lumipat siya sa L.A. nang labing siyam na taong gulang siya.[5]
Karera
baguhinUnang nakita si Morris noong 2006 sa So You Think You Can Dance Season 2 kung saan umabot siya sa "Vegas Week" ngunit sa kasamaang palad ay di nakapasok sa Final 20 dahil sa botong 3-2.[6]
Lumipat si Morris sa Los Angeles para ituloy ang kanyang karera sa pagsayaw at naturuan sa pagsayaw ng jazz. Ang pinakahinihintay niyang panahon ay dumating noong 2007 sa pamamagitan ni Beyoncé. Isa siya sa naging backup dancer ni Beyonce sa The Beyoncé Experience world tour. at [7] pagkatapos ay nakipagtrabaho muli kay Beyonce para naman sa isang maliit na "Single Ladies (Put a Ring on It)" promotional tour, kung saan kasama rito ang pagsayaw sa American Music Awards,[8] Saturday Night Live,[9] The Ellen DeGeneres Show, Today,[9] at MTV's Total Request Live Finale. Naging backup dancer din siya nina Beyonce at Tina Turner sa 50th Grammy Awards noong 2008.[10][11] Nagkaroon din siya ng maliit na papel sa pelikulang Fired Up, kung saan nakilala niya ang choreographer na si Zach Woodlee. Matapos ang pelikulang iyon, dinala ni Woodlee si Morris para sumayaw sa mga iba pang palabas tulad ng Eli Stone, Swingtown, Bedtime Stories, at sa kalaunan ay Glee.[12]
Noong Disyembre 2010, pinarangalan si Morris bilang Celebrity Style Ambassador ng FLIRT! Cosmetics, isang Estee Lauder cosmetics line.[13]
Noong 2010, nakapasok si Morris sa Maxim Hot 100 list, sa bilang na 85. Sa AfterEllen hot 100 list naman, pumangalawa siya kay Naya Rivera sa listahan.
Noong 2011, lumabas si Morris sa isang back-to-school na patalastas ng Staples Canada kung saan tinampok ang kanyang pagsayaw.
Sa Oktubre 2011 na pahayagan ng Fitness magazine, sinabi ni Morris na pinatanggal na niya ang kanyang breast implants. Sinabi niya na "Implants were something I thought I wanted when I was younger, and now I don't, It was hard being active with them, because my chest was always sore. It hurt a lot, and I didn't like always being in pain, so they had to go!"[14] Ang kanyang breast implant surgery ay nangyari sa pagitan ng pagsali niya sa So You Think You Can Dance na labing walong taong gulang siya at habang backup dancer siya para kay Beyoncé na dalawampu't isang taong gulang naman siya.[15] Noong Marso 2012, na-hack ang kanyang celphone at kumalat ang mga hubad niyang litrato.[16]
Glee
baguhinKumukuha ng klase sa pagarte si Morris nang tanungin siya ni Woodlee kung pwede niyang turuan ng choreography ng kanta ni Beyoncé na "Single Ladies" para sa mga artista ng Glee. Nagkataon din na naghahanap pa ng ikatlong cheerleader ang palabas, at nakuha ni Morris ang papel bilang si Brittany.[9] Lumaki ang naging papel ni Morris dahil sa nadiskubre ng mga writers ang kanyang talento sa pagsasabi ng mga one-liners.[17] Sinabi ni Jarrett Wieselman ng New York Post na si Morris ay "emerged as one of the funniest second bananas on TV right now"[18] at isinulat din ng LA Times na "...comedy crush on Morris, who plays the galactically dim Glee Club cheerleader Brittany".[19]
Nang lumabas ang isang patalastas ng Glee na "Sectionals" kung saan pinakita na nagkaroon ng realsyon sina Brittany Pierce at Santana Lopez, pinuri ni Dorothy Snarker, na sumusulat para sa lesbian entertainment website na After Ellen, at bininyag na ang pangalan ng tambalan nila bilang "Brittana".[20] Sinabi rin ni Snarker na sila na ang kanyang "new favorite Glee pairing", at "While Heather Morris (Brittany) and Naya Rivera (Santana) have had minimal screen time, they've made it count. Heather in particular has brought the laughs as the Cheerio least likely to get a Mensa invitation. Never mind Finn and Rachel — I'm on Team Brittana now."[20]
Mas nakita akong naging papel ni Morris sa huling siyam na bahagi ng unang yugto. At dahil na rin sa magandang pagtanggap sa kanyang papel, naging series regular na siya sa ikalawang yugto.[21] Siya ang naging bida sa ikalawang bahagi, "Britney/Brittany", kung saan una niyang ipinakita ang kanyang talento sa pagkanta. Kinanta niya ang "I'm a Slave 4 U" at "Me Against the Music" na kasama naman si Naya Rivera. Sa kalagitnaan ng yugto ay ipinakita ang pagkakaroon ng mas malalim na relasyon sa pagitan niya at ni Santana. Sa totoong buhay, malapit na magkaibigan ang dalawa.[22]
Sa 2011 Glee Tour, kinanta ni Morris ang "I'm a Slave 4 U". Sumayaw din sila ni Harry Shum Jr. habang kumakanta si Naya Rivera ng "Valerie", kasama na rin ang Single Ladies at Safety Dance.
Si Morris ay kasama sa mga sumulat ng "Nuthin' But A Glee Thang" para sa Funny or Die noong Enero 2011. Kasama sa mga sumulat ay sina Ashley Lendzion at Riki Lindhome. Lumabas siya rito kasama sina Sofia Vergara ng Modern Family, Matthew Morrison, Cory Monteith, Harry Shum, Jr., at Naya Rivera.[23]
Filmography
baguhinPaglabas sa Music Video | |||
---|---|---|---|
Taon | Artista | Pamagat ng Kanta | Tala |
2008 | An-Ya | Nightlife[24] | Mananayaw |
2008 | The White Tie Affair | Allow Me To Introduce Myself...Mr. Right/Candle (Sick and Tired)[25] | |
2008 | Hit the Lights | Drop the Girl[26] | |
2011 | Leo Moctezuma | 2 Da Left [27] |
Paglabas sa Pelikula | |||
---|---|---|---|
Taon | Pamagat | Papel | Tala |
2008 | Bedtime Stories | Cat Girl | |
2009 | Fired Up! | Fiona | |
2011 | Glee: The 3D Concert Movie | Brittany Susan Pierce | sarili |
2012 | Ice Age: Continental Drift | Katie, The Gossip Girl | boses |
2013 | Spring Breakers[28] | simula pa lang |
Paglabas sa Telebisyon | |||
---|---|---|---|
Taon | Pamagat | Papel | Tala |
2007 | The Beyoncé Experience | Dancer | DVD: The Beyoncé Experience Live |
2008 | Swingtown | Red Dress Disco Girl | Uncredited, Episode: "Get Down Tonight" |
2008 | Eli Stone | Street Dancer/Back-Up Dancer | Uncredited, Episodes: "The Path" and "The Humanitarian" |
2009- present |
Glee | Brittany Susan Pierce | Season 1 - Series Recurring. Season 2,3 – Series Regular Screen Actors Guild Award for Outstanding Performance by an Ensemble in a Comedy Series |
2010 | How I Met Your Mother | Dancer in Pink Shirt | Uncredited, Episode: "Girls Versus Suits" |
2011 | Staples Commercial | Herself/Dancer | Back-to-school commercial for Staples (Canada) |
2012 | Punk'd | Herself |
Awards and nominations
baguhinAward | Year | Category | Result | Role |
---|---|---|---|---|
Playhouse West Film Foundation 2011 PWFF Grand Jury Awards | 2011 | Best Supporting Actress in a Feature Film | Nanalo | Lily in a Short Film called POST by Jim Parrack |
Discography
baguhinReferences
baguhin- ↑ Internet Movie Database (sa wikang Ingles), nm3529987, Wikidata Q37312, nakuha noong 18 Hulyo 2016
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Star from Hit TV Show Visits Good Morning WNY". WKBW. Disyembre 31, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 11, 2012. Nakuha noong Enero 8, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ livestarringyou (2010-12-08). "Heather Morris on playing un-glee-ful moments". YouTube. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.youtube.com/watch?v=wPzvBLAT3mk
- ↑ Erin Balse and Suzanne Gardner. "Don't Stop Believin': The Unofficial Guide to Glee." ECW Press. 2010
- ↑ "So You Think You Can Dance 2, June 8: Fear and Loathing In Las Vegas". Reality News Online. Setyembre 6, 2006. Nakuha noong Enero 8, 2010.
{{cite web}}
:|first=
missing|last=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Glee : La vie des acteurs avant la série" (sa wikang Pranses). News de stars. 2011-05-30. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-27. Nakuha noong 2012-04-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beyonce "Single Ladies" American Music Awards". Youtube.com. 2009-01-10. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 9.2 "Young Entertainers Get a Taste of Hollywood". My Buffalo. Disyembre 31, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 11, 2012. Nakuha noong Enero 8, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beyonce - Tina Turner - Introduction Performance (Grammy 2008)". Dailymotion.com. 2011-08-31. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tina Turner & Beyonce - Proud Mary (Grammy 2008)". Dailymotion.com. 2008-03-22. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-26. Nakuha noong 2012-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Glee's' Heather Morris will FLIRT! with cosmetics line". Blog.zap2it.com. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Oops! Heather Morris Suffers an Emmy Nip Slip - Glee". Wetpaint.com. 2011-09-19. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brooks, Hanna. "Heather Morris: My Breast Implants "Had To Go"". Blisstree. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-02. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Heather Morris of 'Glee' naked, via phone pictures? Join the club". LATimes.com. 2012-03-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "TV: Heather Morris has become a reliable comic voice on 'Glee'". ScrippsNews. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-10. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wieselman, Jarrett (Nobyembre 19, 2009). "'Glee's' secret weapon". New York Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2013. Nakuha noong 8 Enero 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Underrated / Overrated". The Los Angeles Times. Abril 25, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 3, 2013. Nakuha noong Abril 16, 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 20.0 20.1 Snarker, Dorothy (Disyembre 7, 2009). ""Glee" spoils us with an unexpected coupling". After Ellen. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hunyo 2012. Nakuha noong 7 Disyembre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hibberd, James (2010-04-27). "'Glee' exclusive: Brittany and Santana poised for major promotions | Inside TV | EW.com". Ausiellofiles.ew.com. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Glee's Summer Fun". OK! US edition. Northern & Shell North America. Hulyo 19, 2010. pp. 50–51. issue #29.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nuthin' But A Glee Thang with Heather Morris, Matthew Morrison & Sofia Vergara from Heather Morris, Sofia Vergara, Matthew Morrison, Cory Monteith, Naya Rivera, Harry Shum Jr, Riki Lindhome, Ashley Lendzion, David Bernad, Isaac Hagy, BoTown Sound, Shauna O'Toole, Funny Or Die, Keith Schofield, Brian Mulchy, and Christin Trogan". Funnyordie.com. 2011-03-22. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "An-Ya "Nightlife"". Youtube.com. 2010-04-23. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Allow Me To Introduce Myself...Mr. Right/Candle (Sick And Tired)"". Youtube.com. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hit the Lights "Drop the Girl"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-26. Nakuha noong 2012-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2 Da Left - Heather Morris Cameo For Leo Moctezuma". YouTube. 2011-08-11. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.imdb.com/title/tt2101441/http://www.imdb.com/title/tt2101441/[patay na link]