Kalubkob

(Idinirekta mula sa Helmet)

Ang kalubkob, na nakikilala rin bilang helmet, kupya, o salakot[1], ay isang uri ng panakip at pananggalang o proteksiyon sa ulo at sa mukha,[2] upang huwag masugatan, mapinsala, o masaktan ang mga bahaging ito ng katawan. Ang mga kalubkob ay maaaring maging matigas o may malambot na saping sumbrero. Maraming mga uri ng kalubkob, na ang ilan ay gawa mula sa metal, habang ang iba ay yari sa plastik. Sa karaniwan, ang mga kalubkob ay mayroong mga malambot na saping yari sa tela o hibla at mga panaling tela o hibla upang mapanatiling nakasuot ang kalubkob sa ulo ng tao.

Mga sundalo ng Estados Unidos na nakasuot ng mga helmet na pandigma.
Isang babaeng nakasuot ng isang helmet na pampagbibisikleta.

Bagaman ang pangunahing layunin ng pagsusuot ng kalubkob ay ang prutektahan ang ulo at mukha, mayroong mga helmet na pangseremonya o simboliko na walang mga tungkuling pangsangga. Ang pinaka matandang paggamit ng mga kalubkob ay ang paggamit ng mga kawal na Asiryo noong 900 BK, na nagsipagsuot ng mga helmet na yari sa makapal na katad o kaya ay gawa sa matigas na tansong pula upang mapruteksiyunan ang ulo mula sa mga mapupurol na mga bagay o mga pagtama ng mga espada at mga pagtama ng mga palaso habang nakikipaglaban. Nagsusuot pa rin sa kasalukuyan ang mga sundalo, na sa ngayon ay kadalasang yari sa Kevlar, mga materyal na magaan at gawa sa plastik.

Sa buhay na sibilyano, ang mga helmet ay ginagamit para sa mga gawaing pangrekreasyon at pampalakasan o pang-isports; pati na sa mga gawaing panghanapbuhay na mapanganib; at sa transportasyon. Magmula noong dekada ng 1990, ang karamihan sa mga kalubkob ay gawa mula sa mga resina o mga plastik, na maaaring patibayin ng mga hiblang katulad ng mga aramid.

Ang salitang helmet ay isang diminutibo o paghango sa salitang helm sa Ingles, isang salitang midyebal (mula sa Gitnang Kapanahunan) na may kahulugang "kasuotang pang-ulo na pananggalang kapag nakikipaglaban". Sa orihinal, ang isang helmet ay isang helm na bahagi lamang na tumatakip sa ulo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. helmet, lingvozone.com
  2. helmet Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.