Henohenomoheji
Ang Henohenomoheji (へのへのもへじ) o hehenonomoheji (へへののもへじ ) ay isang kilalang mukha na kadalasang iginuguhit ng mga batang mag - aaral na Hapones sa pamamagitan ng mga karakter ng hiragana .[1]
Ang salita ay naglalaman ng pitong mga karakter na hiragana : he (へ), no (の), he (へ), no (の), mo (も), he (へ), at ji (じ). Ang unang dalawang 'he' ay ang mga kilay, ang dalawang 'no' ay ang mga mata, ang 'mo' ay ang ilong, at ang huling 'he' ay ang bibig . Ang labas at makapal na parte ng mukha ay ang karakter na 'ji'. Ang dalawang maiikling guhit ( dakuten ) ay bumubuo sa tainga o pisngi . Ang Henohenomoheji ay madalas na ginagamit upang sumagisag sa isang hindi mailarawan o pangkaraniwang mukha ng tao, tulad ng mga mukha ng kakashi ( alay-ay )[1] at teru teru bōzu .
Mga Sanggunian
baguhinMga panlabas na kawingan
baguhin- Iba't ibang estilo ng Henohenomoheji sa Wayback Machine (isinipi noong Mayo 6, 2015) (sa Hapones)