Ang henotipo o genotype ang komposisyong henetiko ng isang selula, organismo o indibidwal(i.e. ang spesipikong komposisyong allele ng indibidwal) na karaniwan may reperensiya sa isang spesipikong katangiang isinasaalang alang.[1] Halimbawa ang gene na CTR ng tao na nagkokodigo ng isang protina na naghahatid ng mga ionong klorido sa buong mga membrano ng selula ay maaaring nananaig (A) bilang normal na bersiyon ng gene o resesibo (a) bilang mutadong bersiyon ng gene. Ang mga indibidwal na tumatanggap ng dalawang mga resesibong allele ay madadiagnos ng cystic fibrosis. Pangkalahatang tinatanggap na ang namanang henotipo na pinadala ng mga paktor na epihenetiko at mga hindi namamamanang bariasyong pangkapaligiran ay nag-aambag sa penotipo ng indibidwal. Ang mga hindi namamanang mutasyon ng DNA ay hindi klasikong nauunawaan bilang kumakatawan sa henotipo ng indibidwal. Kaya ang mga siyentipiko at doktor ay minsang nagsasalita tungkol sa (heno)type ng isang partikular na kanser na henotipo ng sakit bilang natatangi mula sa may sakit.

Dito, ang relasyon sa pagitan ng henotipo at penotipo ay pinapakita gamit ang kwadradong Punnett para sa katangian ng kulay ng petal sa pea. Ang mga letrang B at b ay kumakatawan sa mga gene para sa kulay at ang mga larawan ay nagpapakita ng nagresultang mga bulaklak.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Genotype definition - Medical Dictionary definitions". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-21. Nakuha noong 2012-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)