Herodes Arquelao
Si Herodes Arquelao (Ingles: Herod Archelaus, Sinaunang Griyego: Ἡρῴδης Ἀρχέλαος, Hērōidēs Archelaos; 23 BCE – c. 18 CE) ang etnarko ng Judea, Samaria, at Idumea kabilang ang mga siyudad ng Caesarea at Jaffa sa loob ng siyam na taon mula 4 BCE hanggang 6 CE. Si Herodes Arqulao ay tinanggal ng Emperador ng Imperyong Romano na si Cesar Augusto nang ang Judea (lalawigang Romano) ay nabuo sa ilalim ng pamumunong Romano sa panahon ng Censo ni Quirinio. Siya ang anak ni Dakilang Herodes at Samaritanong si Malthace at kapatid ni Herodes Antipas at kalahating kapatid ni Herodes Felipe (tetrarka). Siya ang nagmana ng kalahati ng Kahariang Herodiano pagkatapos ng kamatayan ng kanyang amang si Dakilang Herodes noong 4 BCE. Dahil sa kanyang kalupitan sa mga Hudyong nasasakupan, ang mga ito ay nagreklamo kay Cesar Augusto at si Arquelao ay ipinatapon ni Augusto sa Gaul noong 6 CE. Ang Judea, Samaria at Idumea at pinagsama sa ilalim ng prepektong si Coponius mula 6 CE. Si Publio Sulpicio Quirinio ay nahirang na legato ng Probinsiyang Romano ng Syria noong 6 CE at isinama ang Judea upang isagawa ang Censo ni Quirinio.
Papel sa kapanganakan ni Hesus ayon sa Bibliya
baguhinAng kwento ng kapanganakan ni Hesus ay matatagpuan lamang sa dalawang ebanghelyo na Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Mateo. Gayunpaman, ang parehong Lucas at Mateo ay may salungatan tungkol sa kapanganakan ni Hesus. Sa Mateo, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Bethlehem at si Maria ay nanganak kay Hesus sa kanilang bahay sa Bethlehem kung saan sila ay dinalaw ng mga mago(Mateo 2:1-7) at pagkatapos ay kinailangang nilang tumakas sa Ehipto dahil sa banta ni Dakilang Herodes ni patayin ang sanggol na si Hesus(Mateo 2:13). Pagkatapos mamatay ni Dakilang Herodes noong ca. 4 BCE, ang ama ni Hesus na si Jose ng Nazareth ay naglayong bumalik sa kanilang tirahan sa Bethlehem sa Judea ngunit binalaan sa isang panaginip na huwag ditong pumunta at sa halip ay tumungo sa Galilea sa Nazareth dahil si Herodes Arquelao ay namumuno sa Judea at ito ay upang matupad ang isang hula na si Hesus ay tatawaging isang Nazareno (Mateo 2:21-23). Salungat sa Mateo, sa Lucas 2:4-6, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Nazareth sa Galilea at tumungo sa Bethlehem dahil sa Censo ni Quirinio(ca. 6 CE) dahil siya ay mula sa angkan ni David (Lucas 1:27; 2:4) at sa Bethlehem ay ipinanganak si Hesus sa isang sabsaban dahil wala silang mahanap na kuwarto na mapapanganakan ni Hesus. Pagkatapos dalhin nina Jose at Maria ang sanggol na Hesus sa Ikalawang Templo sa Herusalem para sa ritwal ng puripikasyon, sila ay bumalik sa kanilang tirahan sa Nazareth sa Galilea(Lucas 2:39). Ayon sa Ebanghelyo ni Juan 7:41-42, naniwala ang mga Hudyo na si Hesus ay hindi nagmula sa Bethlehem kundi sa Galilea at "walang propeta na manggagaling sa Galilea"(Juan 7:52)
Angkang Herodiano
baguhinAntipater the Idumaean prokurado ng Judea | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
1.Doris 2.Mariamne I 3.Mariamne II 4.Malthace | Dakilang Herodes Hari ng Judea | 5.Cleopatra ng Herusalem 6.Pallas 7.Phaidra 8.Elpis | Phasael governor of Jerusalem | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
(1) Antipater tagapagmana ng Judaea | (2) Alejandro I prinsipe ng Judea | (2) Aristobulus IV prinsipe ng Judea | (3) Herodes II Felipe prinsipe ng Judea | (4) Herodes Arquelao etnarko ng Judea, Samaria, at Idumea | (4) Herodes Antipas tetrarka ng Galilea at Perea | (5) Herodes Felipe (tetrarka) tetrarka ng Iturea at Trachonitis | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tigranes V of Armenia | Alejandro II prinsipe ng Judea | Herodes Agrippa I Hari ng Judea | Herod V pinuno ng Chalcis | Aristobulus Minor principe ng Judea | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tigranes VI of Armenia | Herod Agrippa II Hari ng Judea | Aristobulus pinuno ng Chalcis | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Gaius Julius Alexander pinuno ng Cilicia | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Gaius Julius Agrippa quaestor ng Asya | Gaius Julius Alexander Berenicianus prokonsul ng Asya | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Lucius Julius Gainius Fabius Agrippa gymnasiarko | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Bibliya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.