Heruli
Ang Heruli (na mayroong iba't ibang pagbabaybay sa Latin at sa Griyego) ay isang Silanganing Hermanikong tribo na nandayuhan magmula sa Iskandinabya papunta sa Itim na Dagat noong ika-3 daantaon. Kabahagi sila ng sunud-sunod na mga pagsalakay na isinagawa ng mga pangkat na Gothiko sa Kabalkanan at Gresya magmula noong dekada ng 250.
Noong 267, na kapiling ang mga Goth, nilusob nila ang Bisantiyum, Isparta at Atenas. Nagapi sila ng mga Romano noong 269 na malapit sa Naissus (pangkasalukuyang Niš sa Serbia ng makabagong panahon). Noong ika-4 na daantaon, nalupig sila ng mga Ostrogoth at pagdaka ay nalupig naman ng mga Hun. Nakalaya sila magmula sa mga Hun pagkaraan ng Labanan sa Nedao noong 454, at naglunsad ng sarili nilang kaharian at sumali kay Odoacer, ang komandante ng mga tropang foederati ng Imperyo na nagpatanggal sa tungkulin kay Emperador Romulus Augustus ng Kanluraning Imperyong Romano noong 476 AD. Noong 508, natalo sila ng mga Lombard at naiulat na nagbalik sa Iskandinabya. Ang kanilang pangalan ay may kaugnayan sa earl (tingnan ang erilaz) at marahil ay isang pamagat na pangkarangalan sa militar.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.