Hidrokarburo

(Idinirekta mula sa Hidrokarbon)

Ang hydrocarbon o idrokarburo (Espanyol: hidrocarburo) ay isang uri ng langkapang kimikal na binubuo lamang ng hidroheno at ng mga atomo ng karbon. Matatagpuan sila sa magagaspang na mga langis na kung tawagin ay krudo. Inihihiwalay ang hidrokarbon sa pamamagitan ng distilasyong praksiyunal (na nangangahulugang pinaghihiwa-hiwalay sila upang maging iba't ibang mga pangkat). Ang hidroheno o karbon ay ikinakabit sa piling ng mga hindi polar na kobalenteng buklod o mga non-polar covalent bond. Dahil sa kawalan ng polar na kobalenteng mga buklod, ang mga hidrokarbon ay hindi makakalikha ng mga buklod na hidroheno sa piling ng tubig, at ang mga ito ay hidropobiko (literal na "ayaw ng tubig").

Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.