Hikaru no Go
Ang Hikaru no Go (ヒカルの碁) ay isang seryeng manga at anime mula 1998 haggang 2003 na base kay Yumi Hotta at larawan sa pamamagitan ng Takeshi Obata at may habang 75 bilang na mga kabanata ng anime at 23 ng bilang ng bolyum sa manga. Nakabatay ang istorya nito sa larong tabla na Go.
Hikaru no Go | |
ヒカルの碁 | |
---|---|
Dyanra | Komedya, Mga laro, Pansikolohiya, Supernatural, Paaralan |
Manga | |
Hikaru no Go | |
Kuwento | Yumi Hotta |
Guhit | Takeshi Obata |
Naglathala | Shueisha |
Takbo | 1998 – 2003 |
Bolyum | 23 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Tetsuya Endo Jun Kamiya Shin Nishizawa |
Estudyo | Studio Pierrot |
Inere sa | TV Tokyo |
Labis na tinanggap ang Hikaru no Go at nagkaroon ito ng higit sa 25 milyong sipi sa sirkulasyon at nanalo ng Shogakukan Manga Award noong 2000 at ang Tezuka Osamu Cultural Prize noong 2003. Naging dahilan din ito sa pagpasikat ng larong Go sa mga kabataan ng bansang Hapon simula nang unang lumabas ito,[1] at tinuturing ng mga manlalaro ng Go sa iba't ibang dako na nagpasiklab sa interes sa laro ang maraming tao sa buong mundo dahil sa serye, at napansin ang pagtaas ng mga naglalaro ng Go sa buong sanlibutan.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Shimatsuka, Yoko. "Do Not Pass Go". Asiaweek (sa wikang Ingles). 27 (25): 54. ISSN 1012-6244. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 10, 2007. Nakuha noong Marso 26, 2007.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Johnson-Woods, Toni (2010-04-15). Manga: An Anthology of Global and Cultural Perspectives (sa wikang Ingles). Bloomsbury Publishing USA. ISBN 9781441155696.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)