Hikaw
Ang hikaw ay isang uri ng alahas na ikinakabit sa ginawang butas sa paypay o pingol o anumang panlabas na bahagi ng tainga. Tinatawag din itong arilyos o aretes. Tinagurian namang binantok ang hikaw na panse o fancy (mababa ang uri o peke).[1] Karaniwan itong may katumbas na pakaw upang hindi matanggal sa pagkakakabit. Subalit mayroong mga uri ng hikaw na iniipit lamang sa paypay ng tainga or pinagsasama gamit ang batubalani. Kapwa nagsusuot ang mga lalaki at mga babae ng hikaw, maaaring pares, isa lamang o tatlo at higit pang bilang. Isang halimbawa ng pagsusuot ng isang hikaw lamang ang dibuho ni Vermeer na Dalagitang may Hikaw na Perlas. Sa Aklat ng Henesis (Henesis 35:4), ayon kay Jose Abriol, na minsang ginagamit ang mga hikaw bilang mga anting-anting, partikular na ang yaong naniniwala sa mga terapim o diyus-diyosan.[2]
Pangkalahatang tumutukoy ang hikaw sa pagkabit ng alahas sa binutas na panlabas na bahagi ng tainga. Kapag ang alahas ay kinabit sa ibang binutas na anumang bahagi ng katawan maliban sa tainga, tinatawag pa rin itong hikaw subalit dinudugtong ang bahagi ng katawan. Halimbawa, tumutukoy ang "hikaw sa ilong" sa alahas na nilagay sa binutas na bahagi sa ilong. Kadalasang panlabas na bahagi ng katawan ang kinakabitan ng hikaw ngunit maaring kabitan din ang panloob na bahagi tulad ng dila.
Negatibong epekto ng pagsusuot ng hikaw ayon sa pananaliksik
baguhinAng pinakamadalas na mga komplikasyon na nakakabit sa pagsusuot ng hikaw ay ang sumusunod:[3]
- pamamaga
- mga keloid
- pagkawala ng tisyu sa pamamagitan ng pagpilas
- mekanila na paghahati ng mga earlobe o umbok ng tainga
- potesyal na sakit sa balat
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Earring, hikaw, arilyos, aretes, binantok; fancy - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Mga hikaw". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 59.
- ↑ Watson D. (Pebrero 2012). "Torn Earlobe Repair". Liver International (sa wikang English). 35 (1): 187.