Hipokratikong mukha

Ang Hipokratikong mukha (Ingles: Hippocratic face o Hippocratic facies[1]; Latin: facies Hippocratica) ay ang pagbabagong nagaganap sa mukha dahil sa naghihintay na kamatayan ng isang tao o nilalang[2], o matagalang pagkakasakit, labis na pagdumi, lubhang kagutuman, at mga katulad. Mapapansin sa mukha ng pasyente ang pagtulis o pagtalim[1] ng pinisil na ilong, nakalubog na mga mata, humpak na mga pilipisan (binabaybay ding palipisan) o sintido, madarama rin ang panlalamig at pag-urong o pag-atras ng mga tainga, banat at tuyong balat sa noo, namumutla o kayumangging[1] kutis, nakalaylay, mahina o nangangalay at malalamig na mga labi. Tinatawag itong Hipokratikong mukha dahil una itong nilarawan ni Hippocrates. Kaugnay ito ng cachexia.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "Peritonitis, Hippocratic facies". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 305 at 575.
  2. "Dorlands Medical Dictionary:hippocratic facies".

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Karamdaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.