Hipolito
Sa mitolohiyang Griyego, si Hipolito o Hippolytus (Griyego: Ἱππόλυτος na nangangahulugang "tagapagpakawala ng mga kabayo" o "tagapagkalag ng mga kabayo"[1]) ay isang anak na lalaki ni Theseus mula kay Antiope o kaya mula kay Hippolyte. Iniuugnay siya sa diyos ng gubat na si Virbius ng mitolohiyang Romano.
Ang pinaka karaniwang alamat hinggil kay Hipolito ay nagpapahayag na namatay siya pagkaraang tanggihan niya ang pagpapakita ng pagkagusto sa kaniya ni Phaedra, na kaniyang inang-panguman at pangalawang asawa ng ama niyang si Theseus. Dahil sa pagkamuhi nang matanggihan, nilinlang ni Phaedra si Theseus sa pamamagitan ng pagsasabi na ginahasa siya ni Hipolito. Ginamit ng nagngingitngit na si Theseus ang isa sa kaniyang tatlong mga kahilingan na ibinigay sa kaniyan ni Poseidon upang sumpain si Hipolito. Nagpadala si Poseidon ng isang halimaw ng dagat — o kaya ay nagpadala si Dionysus ng isang mabangis na toro — upang sindakin ang mga kabayo ni Hipolito na kumaladkad kay Hipolitio hanggang sa humantong na sa kamatayan niya.
Dalawang mga bersiyon ng kuwento ang lumitaw sa dula ni Euripides na Hippolytus at sa dula ni Seneca, ang Nakababata na Phaedra.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Sa mas katumpakan, ang kahulugan ng pangalan ni Hippolytus ay pabalintunay na malabo. Ang elementong -λυτος (mula λύω "luwagan, wasakin") ay nagmumungkahi ng pang-uring λυτός, -ή, -όν "maaaring hindi na maipanumbalik, nawasak."[1]. Kung gayon, ang kaniyang pangalan ay kumukuha ng kahulugang nakapanghuhula na "winasak ng mga kabayo".[2][3][patay na link]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.