Hiroyuki Hamada
Si Hiroyuki Hamada (ipinanganak 29 Oktubre 1925 sa Satsumasendai, Kagoshima) ay isang Hapones na nagtatag ng Nihon Koden Shindo Ryu Karatedo. Siya ang tagapagturo ni Felton Messina.
Hiroyuki Hamada | |
---|---|
Kapanganakan | 29 Oktubre 1925 |
Kamatayan | 16 Setyembre 2003 |
Mamamayan | Hapon Imperyo ng Hapon |
Talambuhay
baguhinNoong 15 taong gulang si Hamada, 1939, nagsimula siyang magsanay ng Tomari-Ha, isang estilong Okinawa sa karate. Noong Marso 1943, nakapagtapos siya ng sekondarya pagkatapos mawalan ng dalawang taong pag-aaral dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, oras na ginamit para matuto ng karate. Sa taon na iyon nagsimula siyang nag-aral ng iba pang estilong Okinawa tulad ng Shuri-Te at To-Te. Sa pagitan ng Abril 1943 at Marso 1944, dedikado siya sa pagsanay paghahasa ng karate.
Noong Abril 1944, sumali siya sa Japanese Marines. Noong katapusan ng digmaan noong 1945, bahagi siya ng isa sa mga grupo ng Air Force mula Kurashiki. Nang nabalitaan niya ang pagkatalo ng Hapon, nag-isip siya ng sampung araw kung magpapakamatay siya sa pamamagitan ng Seppuku. Pagkatapos ng mga araw na iyon, nagdesisyon siyang mamuhay at tulungan na lang ang iba na matuto ng Karate-Do. Bumalik siya sa Satsumasendai noong Agosto 1945.