Ang mga layang-layang, layang-layangan, langay-langayan, himpapalis at martin (Ingles: swallow, martin, at swift)[1][2] ay ang alin man sa isang pangkat na maliliit at may mahahabang mga pakpak na mga ibong matatagpuan sa maraming mga bahagi ng mundo. Kilala sila sa kanilang gawi sa humahagibis o sumisibasib ngunit mayumi ang indayog na paglipad. Umaabot o lumalagpas ang haba ng kanilang mahahabang mga pakpak, kapag nakasara, sa kanilang nagsasangang mga buntot. Maliliit ang kanilang mga paang dinisenyo para sa pagtuntong at pagdapo. Karaniwan silang lumilipad na magkakasama sa isang langkay tuwing araw. May ilang mga uri na nakagawiang manirahan o mamugad sa mga bahay ng tao at kamalig na imbakan ng mga palay, katulad ng mga Petrochelidon pyrrhonota (mga Layang-layang ng bangin o ng barangka, o Cliff swallow) at mga Hirundo rustica (mga Layang-layang ng kamalig , o Barn swallow).[3] Partikular na tinatawag bilang layanglayang, langaylangayan, o golondrina (Philippine swallow) ang mga layang-layang ng Pilipinas.[2]

Mga layang-layang
Red-rumped Swallow
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Suborden:
Pamilya:
Hirundinidae

Vigors, 1825
Mga sari

19, tingnan sa teksto.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Swallow, swift, layanglayang; layang-layangan, himpapalis - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "langaylangayan, layanglayang, himpapalis, swallow, Asiatic swallow, Philippine swallow, Golondrina". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 631, 774, at 792.
  3. "Swallow". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 568.