Libangan (gawain)

Gawaing pampalipas-oras
(Idinirekta mula sa Hobby)

Ang libangan (Ingles: hobby) ay isang gawaing nakakalibang na ginagawa ng mga tao upang maaliw o para sa rekreasyon. Ginagawa ito ng mga tao sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong paraan ng paggamit ng libreng panahon o oras. Bukod sa pagiging nakakatawag-pansin ng isang tao ang isang hilig, marami pa itong ibang kainaman. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasiya ito ng sarili kahit na ginagawa ito na nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay ng edukasyon rin ang hilig. Maaari ring maipagbili ang produkto ng isang hilig. May mga hilig na magagawa sa loob ng bahay, mayroon naman magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding nangangailangan ng natatanging kasanayan.[1]

Ilan sa mga halimbawa ng mabubuting mga hilig ang sumusunod:

  • paghahalaman
  • pangungulekta ng mga barya
  • pangungulekta ng mga selyo
  • pag-aalaga ng hayop
  • pag-aakwaryo (pag-aalaga ng isda na nasa loob ng akwaryo)
  • pagtanaw ng mga ibon
  • pangungulekta ng mga bato
  • pangungulekta ng mga kabibe
  • pangungulekta ng mga paru-paro
  • pangungulekta ng mga bagay na antigo o sinauna
  • pangunuglekta ng mga manika
  • pangungulekta ng mga butones
  • pagpipinta ng larawan
  • paglililok ng sabon
  • paglalayag ng bangka
  • pagmumodelo ng putik
  • potograpiya
  • pagmamadyik

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Hobbies". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), tomo para sa titik na H, pahina 140-142.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Buhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.