Salas
Ang sala o salas (tinatawag din bilang silid ng pagpapalipas-oras, silid na palipasan ng oras, silid na pampalipas ng oras, o kuwartong istambayan) ay isang uri ng silid-pamahingahan kung saan maaaring nagpapahinga o nagrerelaks na naghihintay o umiistambay ang mga tao habang lumilipas ang oras o nagpapaglipas ng oras. Maaari itong maglaman ng mga upuan na kung minsan ay maaaring "paghilataan" ng mga taong naghihintay. Sa isang tahanan, isa itong silid kung saan maaaring makapagbasa ng mga aklat at iba pang mga babasahin ang mga nakaokupa, manood ng telebisyon, at iba pang mga gawain. Dito rin nag-uusap kadalasan ang mga magkakasama sa bahay at mga bisita na dito muna unang tinatanggap.[1] Sa pormal na mga gusali o mga lugar na katulad ng otel, paliparan, at sinehan, ito ang pook na paupuan ng mga panauhin o ng mga kliyente habang naghihintay sa mga kausap o mga taong haharapin at kakapanayamin. Sa isang otel, katulad ito ng isang bulwagang hintayan o bulwagang tanggapan, subalit maaaring maging isang lugar, silid, o bahagi ng palapag ng gusali na karaniwang pinagsisilbihan din ng sari-saring mga inumin.[2][3]
Noong ika-19 na siglo sa Pilipinas, hiwalay ang silid na tumatanggap ng mga bisita (tinatawag na caida) sa pangunahing sala (tinatawag na sala mayor).[4] Noong dekada 1930, matataas ang mga kisame ng tipikal na mga bahay kubo na may mas malalaking salas.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Martin, Judith (2003). Star-spangled manners: in which Miss Manners defends American etiquette (for a change) (sa wikang Ingles). New York: W.W. Norton & Co. p. 264. ISBN 0-393-04861-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lounge". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 71.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Lounge - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Martinez, Glenn (Agosto 21, 2018). "Here's A Complete List Of The 46 Parts of A Filipino House". realliving.com.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Homes then and now: A look back at Filipino architecture from 100 years ago". Asia Property Awards (sa wikang Ingles). 2021-06-10. Nakuha noong 2022-06-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)