Bulwagang tanggapan

Ang bulwagang pasukan at labasan, bulwagang pasukan, bulwagang entrada, bulwagang tanggapan, o bulwagang tanggapan at hintayan ay isang silid ng isang gusali na nagsisilbing pasukan ng mga tao mula sa labas.

Bulwagang tanggapan sa isang gusaling apartment sa Washington, D.C.

Maraming mga gusaling pangtanggapan o pang-opisina, mga hotel, at mga tukudlangit ang gumagawa ng paraan upang mapalamutian ang kanilang pasukang bulwagan upang makalikha ng tamang kakintalan o bakas[1][2][3]. Magmula noong kalagitnaan ng dekada ng 1980, nagkaroon ng umuunlad na gawi upang isipin ang mga bulwagang pasukan bilang mahigit pa sa pagiging payak na mga kaparaanan lamang na marating ang pinto patungo sa elebador, at sa halip ay maging puwang na panglipunan at bilang mga lugar ng kumersyo.[4][5] May ilang mga pananaliksik na isinagawa upang makalikha ng mga sukatan upang sukatin ang dating sa damdamin ng tao ng anyo ng bulwagang pasukan upang mapainam pa ang disenyo ng bulwagang pasukan na panghotel.[6]

Maraming mga pook na nagbibigay ng paglilingkod na pampubliko, katulad ng tanggapan ng manggagamot, ang gumagamit sa kanilang mga bulwagang pasukan bilang mahigit pa sa pagiging isang pook na hintayan lamang para sa mga taong nag-aabang para sa partikular na serbisyo. Sa ganitong mga uri ng mga bulwagang pasukan, karaniwan ang pagkakaroon ng magiginhawang mga muwebles, katulad ng mga malalambot na mga bangko at iba pang mga pangkaginhawahang mga silya, upang makapaghintay ng maginhawa ang mga kliyente. Gayundin, maaaring may mga telebisyon, mga aklat, mga magasin, mga diyaryo, at iba pang mga babasahin, na makakatulong sa pagpapalipas ng oras ng kostumer habang naghihintay sila bago mapaglingkuran.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. USATODAY.com - Hotels hope visitors check out livelier, upgraded lobby
  2. "Lobbying for space: renovated and revived office building lobbies seek to make the segue from garages and the street inviting to office workers and pedestrians alike - Style - Brief Article | Los Angeles Business Journal | Find Articles at BNET.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-12. Nakuha noong 2009-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "A Building Lobby, "Way of Design, Book One"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-17. Nakuha noong 2009-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lobbies Coming Back Into Their Own - New York Times
  5. Office lobbies become new battleground in landlords' fight to boost | Long Island Business News | Find Articles at BNET.com
  6. An atmospheric scale for the evaluation of hotel lobbies