Lymphoma ni Hodgkin
Ang Lymphoma ni Hodgkin (Ingles: Hodgkin's lymphoma, Hodgkin lymphoma at dating kilala bilang Hodgkin's disease) ay isang uri ng lymphoma na isang kanser na nagmumula sa mga selulang puting dugo na tinatawag na mga lymphocyte. Ito ay ipinangalan kay Thomas Hodgkin na unang naglarawan ng mga abnormalidad sa sistemang lymph noong 1832.[1][2] Ang lymphoma ni Hodgkin ay inilalarawan ng maayos na pagkalat ng sakit mula sa isang pangkat ng kulani(lymph node) tungo sa isa at sa pag-unlad ng mga sistemikong sintomas na may sumulong na sakit. Kapag ang mga selulang Hodkin ay sinuri sa mikroskopyo, ang multinukleyado mga selulang Reed-Sternberg(RS cells) ang mga katangiang histopatolohikong pagkakatuklas. Ang lymphom ni Hodgkin ay maaaring gamutin ng terapiyang radiasyon, kemoterapiya o transplantasyon ng hematapoietikong selulang stem na may pagpipiliang paggamot na nakasalalay sa edad at kasarian ng pasyente at yugto, bulko, at pang-ilalim na uring histolohikal ng sakit. Ang pag-iral ng sakit ay nagpapakita ng dalawang mga dalawang sukdulan: ang una ay sa mga bata pang may edad na tao(edad 15-35_ at ang ikalawa sa mga higit sa 65 taong gulang.[3] Ang kabuuang 5-taong survival(pagpapatuloy na mabuhay)para sa 2001-2007 mula sa 17 heograpikong area ng SEER ay 83.9%.[4] Dahil sa ang marami sa mga pasyente nito ay may kabataan pa, ang mga ito ay kadalasang nabubuhay ng 40 taon o higit pa pagkatapos ng paggamot. Gayunpaman, ang ilang mga pag-aaral ay sumunod sa mga pasyente na kasing tagal ng 25 taon at ang mga pag-aaral na ito ay ng mga mas matandang paggamot na may higit na nakapanganganib sa buhay na mga epektong adberso. Walang sapat na datos na makukuha tungkol sa pangmatagalang mga kalalabasan ng mas bago, kaunting-nakalalasong mga rehimen at ang rehiment na may limitasyong pagkakalantad sa radiasyon. Ang mga paggamot radiasyon at ilang mga drogang kemoterapiya ay nagdudulot ng panganib ng potensiyal na pagsasanhi ng nakamamatay na ikalawang mga kanser, sakit sa puso at sakit sa baga ng kalaunang 40 o higit pang mga taon. Ang mga modernong paggamot ay labis na nagpapaliit ng mga tsansa ng mga kalaunang epektong ito.[5]
Hodgkin lymphoma | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
ICD-10 | C81. |
ICD-9 | 201 |
ICD-O: | 9650/3-9667/3 |
DiseasesDB | 5973 |
MedlinePlus | 000580 |
eMedicine | med/1022 |
MeSH | D006689 |
Ang mga pasyenteng may kasaysayan ng nakahahawang mononucleosis sanhi ng virus na Epstein-Barr ay maaaring magkaroon ng tumaas na panganib ng lymphoma ni Hodgkin ngunit ang tiyak na kontribusyon ng virus na Epstein-Barr ay nananatiling malaking hindi alam.[6]
Mga uri
baguhinAng klasikong lymphoma ni Hodgkin(hindi kasama ang nodular na lymphocyte na na nanaig na lymphoma ni Hodgkin ay maaaring pang-ilalim na uriin sa 4 na patolohikong uri batay sa morpolohiyang selulang Reed-Sternberg at sa komposisyon ng reaktibong selulang inpiltrado na nakikita sa biopsiya ng specimen ng kulani(ang komposisyon ng selula sa palibot ng mga selulang Reed-Sternberg).
Pangalan | Deskripsiyon | ICD-10 | ICD-O |
Nodular na nagii-sclerosang HL | Ang pinaka-karaniwang pang-ilalim na uri at binubo ng malaking mga nodulang tumor na nagpapakita ng kumalat na lacunar na klasikong mga selulang RS sa likuran ng reaktibong mga lymphocyte, eosinophils at mga selulang plasma na may iba't ibang mga digri ng sclerosis/fibrosis ng collagen. | C81.1 | M9663/3 |
Halong-selularidad na pang-ilalim na uri | Ay isang karaniwang pang-ilalim na uri at binubuo ng maraming mga klasikong selulang RS na hinaluan na maraming mga inplamatoryong selula kabilang ang mga lymphocyte, histiocyte, eosinophils, at mga selulang plasma nang walang sclerosis. Ang uring ito ay kadalasang nauugnay sa impeksiyong virus na Epstein-Barr at maaaring ikalito sa maagalang tinatawag na yugtong selulang ng nodular na nagii-sclerosang na CHL. | C81.2 | M9652/3. |
Mayamaman sa lymphocyte-rich o pananaig na lymphocytiko | Ay isang bihirang pang-ilalim na uri na nagpapaktia ng maraming mga katangian na maaaring magsanhi ng kalituhang diagnostiko sa nodular na nananaig na lymphocyte na selulang B na lymphoma na hindi-Hodgkin. Ang anyong ito ang may pinaka mapapaborang prognosis. | C81.0 | M9651/3 |
Naubusan ng lymphocyte | Ay isang bihirang pang-ilalim na uri na binubuo ng malaking mga bilang ng kadalasang plemorpikong selulang RS na tanging may ilang reaktibong mga lymphocyte na maaaring madaling ikalito sa kalat na malaking selulang lymphoma. Maraming mga kasong nakaraang inuri sa loob ng kategoryang ito ay muling inuuri na ngayon sa ilalim ng anaplastikong malaking selulang lymphoma.[7] | C81.3 | M9653/3 |
Hindi matukoy | C81.9 | M9650/3 |
Ang nodular na lymphocyte na nananaig na lymphoma ni Hodgkin ay naghahayag ng CD20 at hindi kasalukuyang itinuturing na isang anyo ng klasikong lymphoma ni Hodgkin. Para sa ibang mga anyo, bagaman ang tradisyonal na mga tandang selulang B (gaya ng CD20) ay hindi naihahayag sa lahat ng mga selula,[8] ang mga selulang Reed-Sternberg ay karaniwang may pinagmulang selulang B.[9][10] Bagaman ang lymphoma ni Hodgkin ay kadalasan ngayong ipinapangkat sa iba pang mga malignansiyang selulang B, ang ilang mga tandang selulang T gaya ng CD2 at CD4 ay minsang inihahayag.[11] Gayunpman, ito ay maaaring isang artipakto ng pagiging hindi malinaw na likas sa diagnosis. Ang mga selulang Hodkin ay lumilikha ng interleukin-21 (IL-21) na minsang inakalang eksklusibo sa mga selulang T. Ang katangiang ito ay maaaring magpaliwanag ng pag-aasal ng klasikong lymphoma ni Hodgkin kabilang ang mga kumpol ng ibang mga selulang immuno na natipon sa palibot ng mga selulang HL(inplitrado) sa mga kultura.[12]
Mga tanda at sintomas
baguhinAng ilan sa mga sintomas ng lymphoma ni Hodgkin ang sumusunod:
- Ang hindi masakit na paglaki ng isa o maraming kulani(lymphadenopatiya). Ang mga kulani ay maaari ring masalat na magoma at namamaga kapag sinuri. Ang mga kulani sa leeg at balikat(mga cervical na kulani) at mga supraclavicular na kulani ang kadalasang nasasangkot (80–90% ng panahon sa aberahe). Ang mga kulani sa dibdib ay kadalasang naapektuhan at maaaring mapansin sa isang radiograpo ng dibdib.
- Pruritus
- Hyperhidrosis sa pagtulog
- Hindi maipaliwanag na pagbabawas ng timbang
- Splenomegalya
- Hepatomegalya
- Hepatosplenomegalya
- Sakit kasunod ng pag-inom ng alak.[13][14]
- Sakit sa likod
- Kulay pulang mga patse
- Sistemikong mga sintomas kabilang ang mababang gradong lagnat, hyperhydrosis, hindi maipaliwanag na pagbagsak ng timbang, pruritus at fatigue.[15]
- Siklikal na lagnat na tinatawag na lagnat na Pel-Ebstein.[16][17]
Sanhi
baguhinWalang mga gabay sa pag-iwas ng lymphoma ni Hodgkin dahil ang sanhi ay hindi alam o multipaktoryal. Ang paktor ng panganib ay estadistikong nagpapataas ng tsansa ng pagkakaroon ng sakit. Ang mga paktor ng panganib para sa lymphoma ni Hodgkin ay kinabibilangan ng:
- Kasarian na lalake.[18]
- Edad mula 15-40 at higit sa 55 taong gulang. name=mountsinai/>
- Kasaysayan ng pamilya[18]
- Kasaysayan ng nakahahawang mononucleosis o impeksiyon ng virus na Epstein-Barr na isang nagsasanhing ahente ng mononucleosis[18]
- Huminang sistemang immuno kabilang ang impeksiyon sa HIV o presensiya ng AIDS.[18]
- Pang matagalang paggamit ng hormone ng paglaki ng tao.[18]
- Pagkakalantad sa mga exotoxin gaya ng Ahenteng Kahel(Agent Orange).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Hellman S (2007). "Brief Consideration of Thomas Hodgkin and His Times". Sa Hoppe RT, Mauch PT, Armitage JO, Diehl V, Weiss LM (pat.). Hodgkin Lymphoma (ika-2nd (na) edisyon). Philadelphia: Wolters Kluwer Health/Lippincott Williams & Wilkins. pp. 3–6. ISBN 0-7817-6422-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link) - ↑ Hodgkin T (1832). "On some morbid experiences of the absorbent glands and spleen". Med Chir Trans. 17: 69–97.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Surveillance, Epidemiology, and End Results (SEER) Program (www.seer.cancer.gov) Cancer.gov
- ↑ "Hodgkin Lymphoma - SEER Stat Fact Sheets". Seer.cancer.gov. Nakuha noong 2012-08-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
James O. Armitage (2010). "Early-stage Hodgkin's Lymphoma". N. Engl. J. Med. 363 (7): 653–62. doi:10.1056/NEJMra1003733. PMID 20818856.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ K J Flavell and P G Murray. (2000). Hodgkin's disease and the Epstein-Barr virus. Molecular Pathology, 53(5): 262–269. [1]
- ↑ "HMDS: Hodgkin's Lymphoma". Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 4, 2009. Nakuha noong Pebrero 1, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "HMDS: Hodgkin's Lymphoma". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Küppers R, Schwering I, Bräuninger A, Rajewsky K, Hansmann ML (2002). "Biology of Hodgkin's lymphoma". Ann. Oncol. 13 Suppl 1: 11–8. PMID 12078890.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Bräuninger A, Schmitz R, Bechtel D, Renné C, Hansmann ML, Küppers R (2006). "Molecular biology of Hodgkin's and Reed–Sternberg cells in Hodgkin's lymphoma". Int. J. Cancer. 118 (8): 1853–61. doi:10.1002/ijc.21716. PMID 16385563.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Tzankov A; Bourgau C; Kaiser A; atbp. (2005). "Rare expression of T-cell markers in classical Hodgkin's lymphoma". Mod. Pathol. 18 (12): 1542–9. doi:10.1038/modpathol.3800473. PMID 16056244.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|author-separator=
ignored (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lamprecht B, Kreher S, Anagnostopoulos, I, Johrens k, Monteleone G, Junt F, Stein H, Janz M, Dorken B, Mathas S (2008). "Aberrant expression of the Th2 cytokine IL-21 in Hodgkin lymphoma cells regulates STAT3 signaling and attracts Treg cells via regulation of MIP-3a". Blood. 112 (Oct 2008): 3339–3347. doi:10.1182/blood-2008-01-134783. PMID 18684866.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Bobrove AM (1983). "Alcohol-related pain and Hodgkin's disease". The Western Journal of Medicine. 138 (6): 874–5. PMC 1010854. PMID 6613116.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Page 242 in: John Kearsley (1998). Cancer: A Comprehensive Clinical Guide. Washington, DC: Taylor & Francis. ISBN 90-5702-215-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Portlock CS (Hulyo 2008). "Hodgkin Lymphoma". Merck Manual Professional. Nakuha noong Hunyo 18, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hodgon DC, Gospodarowicz MK (2007). "Clinical Evaluation and Staging of Hodgkin Lymphoma". Sa Hoppe RT, Mauch PT, Armitage JO, Diehl V, Weiss LM (pat.). Hodgkin’s disease. Lippincott Williams & Wilkins. pp. 123–132. ISBN 978-0-7817-6422-3.
{{cite book}}
: Unknown parameter|ed=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link) - ↑ Asher, Richard (Hulyo 6, 1995). "Making Sense". The New England Journal of Medicine. 333 (1): 66–67. doi:10.1056/NEJM199507063330118. PMID 7777006.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 18.2 18.3 18.4 [2] at Mount Sinai Hospital