Ang Hokkien Pilipino (Tsino: 咱儂話; Pe̍h-ōe-jī: Lán-lâng-ōe; ang aming pangmadlang wika), na payak na tinatawag Hokkien (Lan Lang o Lan Nang) sa Pilipinas, ay isang wikaing Hokkien ng Min Nan na ginagamit ng halos 98.7% ng mga etnikong Tsino sa Pilipinas. Ang Hokaglish ay isang wikang “kontakto oral” (o sa Ingles, oral contact). Pinaghahalo nito ang Hokkien Pilipino, Tagalog at Ingles. May pagkakatulad ang Hokaglish sa Taglish (halo-halong Tagalog at Ingles), ang pang-araw-araw na mesolektong rehistro ng wikang Filipino sa Kalakhang Maynila at mga paligid.

Hokkien Pilipino
Fookien; Fukien
Lân-lâng-oé; 咱儂話
Katutubo saPilipinas, Kanada, Tsina, Taiwan, Estados Unidos
RehiyonKalakhang Manila, Angeles, Cebu, Bacolod, Vigan, Naga, Ilagan, Lungsod ng Davao, Iloilo, Zamboanga, at iba pang mga komunidad sa Pilipinas na mayroong mga menoridad na Tsino.
Mga natibong tagapagsalita
(590,000 ang nasipi 1982)[1]
(98.7% ng lahat ng mga may lahing Tsino sa Pilipinas)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3
GlottologWala

Terminolohiya

baguhin

Ginagamit ang katagang Philippine Hokkien kapag binibigyang-kaibahan ang uri ng Hokkien sa Pilipinas mula sa ibang Hokkien na ginagamit sa Taiwan, Tsina at iba pang mga bansa sa Timog Silangang Asya.

Mayroong iba't ibang katawagan ang ginagamit dito ng tagapagsalita nito:

  • 咱人話 (Hokkien: lán-lâng-ōe [lán-lâng-uē]; Mandarin: zánrénhuà): "Ang aming wikang pangmadla" ang literal na kahulugan ng katagang ito; madalas itong tumutukoy sa Hokkien sa Pilipinas.
  • 閩南話 (Hokkien: bân-lâm-ōe; Mandarin: mǐnnánhuà): "Wikang Katimugang Min" ang literal na kahulugan; tumutukoy ito sa baryanteng ginagamit sa Quanzhou, Zhangzhou, Xiamen at Taiwan.

Minsan ay tinatawag din itong Fookien[2] o Fukien sa bansa.

Mga halimbawa

baguhin
 
Paunang pahina ng Rectificación y Mejora de Principios Naturales 天主教真傳實錄 (1593) ng Espanyol at Dominikong si Fray Juan Cobo. Nakasulat ito sa Tsino Klásiko sa pormang diyalogo na batay sa Hokkien na ginamit sa Pilipinas noong panahong iyon.
Pang-araw-araw na mga kataga
  • Magandang umaga - hó-chá-khí [hó-tsá-khí] (好早起)
  • Magandang hapon - hó-ē-po͘ [hó-ē-poo] (好下晡)
  • Magandang gabi - hó-àm-mî (好暗暝)
  • Kumusta ka? - Dí-hó--bô? (你好無?)
  • Mabuti naman, salamat. - hó, to-siā. (好,多謝。)
  • At ikaw? - Dí-nì? (你呢?)
  • Walang anuman - m-bián kheh-khì (毋免客氣)
  • Paumanhin - tùi-put-chū [tùi-put-tsū] (對不住)
  • "Congratulations!" - Kiong-hí! (恭喜!)
  • Ang aking apelyido ay Tsua/Tsai/Tsai/Kai. - Góa sìⁿ Chhòa. [Gúa sìnn Tshuà.] (我姓蔡。)
  • Hindi ko alam - Goá m̄ chai-iáⁿ. [Gúa m̄ tsai-iann.] (我毋知影。)
  • Marunong ka bang magsalita ng Hokkien? - Dí ē-hiáu kóng Lán-lâng-ōe bâ? [Dí ē-hiáu kóng Lán-lâng-uē bâ?] (你會曉講咱儂話嗎?)
Mga pangkaraniwang panghalip
  • ito - che [tse] (這, 即), chit-ê [tsit-ê] (這個, 即個)
  • iyan/iyon - he (許, 彼), hit-ê (彼個)
  • dito/dine - chia [tsia] (者), hia/hiâ (遮, 遐), chit-tau [tsit-tau] (這兜)
  • doon - hia (許, 遐), hit-tau (彼兜)
  • ano - siáⁿ-mih [siánn-mih] (啥物), sīm-mi̍h (甚物), sīm-mô͘ [sīm-môo](甚麼)
  • kailan - tī-sî (底時), kī-sî (幾時), tang-sî (當時), sīm-mi̍h-sî-chūn [sīm-mi̍h-sî-tsūn] (甚麼時陣)
  • saan/nasaan - tó-lo̍h (佗落, 倒落), tó-ūi [tó-uī] (倒位, 佗位, 叨位)
  • sino - siáⁿ-lâng [siánn-lâng] (啥人) or siáⁿ-nga̍h [siánn-nga̍h] (啥nga̍h] or siáⁿ [siánn] (啥)
  • bakit - ūi-siáⁿ-mi̍h [ūi-siánn-mi̍h] (為啥物), ka-nà (ka哪)
  • paano - án-chóaⁿ [án-tsuánn] (按怎), chóaⁿ [tsuánn] (怎)

Sanggunian

baguhin
  1. Chinese, Min Nan sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  2. Tsai, Hui-Ming (2017). 菲律賓咱人話(Lán-lâng-uē)研究 [A Study of Philippine Hokkien Language] (PhD) (sa Tsino). Unibersidad Nasyonal Normal de Taiwan.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.