Ang Holland o Olanda ay isang rehiyon at dating lalawigan sa kanlurang baybayin ng Netherlands. Malimit gamitin ang Olanda bilang pagtukoy sa buong Netherlands. Ang pagtukoy na ito ay karaniwang tanggap sa labas ng Netherlands, ngunit ang gawíng pamalit ang "Holland" bilang pagtukoy sa "Netherlands" ay hindi tanggap ng ilan, lalo na ng mga taga ibang bahagi ng Netherlands.[1]

Magkasámang pinapakita ang North Holland at South Holland (kulay kahel) sa loob ng Netherlands.

Mula ika-10 hanggang ika-16 na siglo, ang Olanda ay isang buong rehiyong politikal sa loob ng Banal na Imperyong Romano bilang isang kondado na pinamumunuan ng mga Konde ng Olanda. Noong ika-17 siglo, nagsimulang maging isang kapangyarihang pandagat at pang-ekonomiya ang Olanda na nangibabaw sa iba pang lalawigan ng isang kakalayâ pa lang na Republikang Dutch.

Ngayon, ang dating Kondado ng Olanda ay halos binubuo ng ngayo'y dalawang lalawigan ng Netherlands na North Holland at South Holland, kasama rito ang tatlong pinakamalaking lungsod: ang kabisera ng Netherlands – Amsterdam; ang luklukan ng pamahalaan – The Hague; at Rotterdam kung saan matatagpuan ang pinakamalaking pantalan sa buong Europa.


Sanggunian

baguhin
  1. "Holland or the Netherlands?". Dutch Ministry of Foreign Affairs. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Oktubre 2016. Nakuha noong 15 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Netherlands ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.