Ang Kondado (sa Ingles at county) ay isang pangalan para sa isang piraso ng lupain. Marami itong kahulugan sa iba't ibang wika. Orihinal na ikinakabit ito para tawagin ang isang lupaing napapailalim sa kapangyarihan, pagtaban, o pamumuno ng isang konde o kaya ng isang erl, isang opisyal na mas mataas ang ranggo kaysa biskonde subalit mas mababa ang antas kaysa sa isang markis. Sa kasalukuyan, kalimitan itong may ibig sabihing katumbas ng isang pook na nasa pagitan ng isang mas malaking estado at ng isang mas maliit na bayan o distrito. Nagpapanatili ang mga pamahalaan ng isang kondado ng sarili nitong mga tala o rekord, at nagdaraos at nagsasaayos ng mga halalan at mga batas.

Sa iba o mas malawak na diwa, itinuturing din itong katumbas ng isang lalawigan o probinsiya, teritoryo, rehiyon, nayon, pook, o dako.[1]

Sa Estados Unidos, kung saan malawak ang paggamit ng pangalang ito, isa itong dibisyon o kahatian ng isang estado. Kapag inihambing sa Pilipinas, katumbas ito ng bayan o munisipyo.[2] Sa Britanya, katumbas ito ng isang bayan din o ng isang bayan-bayanan, na tinatawag doon sa Ingles bilang shire.[1][2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew (2008). "County". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa county Naka-arkibo 2012-11-16 sa Wayback Machine.
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. County, munisipyo, bayan; Shire, bayan, bayan-bayanan - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.