Homs
Ang Homs ( /hɔːms/;[1] Arabe: حمص / ALA-LC: Ḥimṣ), dating kilala bilang Emesa (Griyego: Ἔμεσα Emesa),[2] ay isang pangunahing lungsod sa kanlurang Syria at kabisera ng Gobernado ng Homs. Ito ay 501 metro (1,644 talampakan) sa ibabaw ng lebel ng dagat at matatagpuan 162 kilometro (101 milya) hilaga ng kabisera na Damasco.[3] Matatagpuan ito sa Ilog Orontes, at ito rin ang gitnang ugnay sa pagitan ng mga lungsod sa loob at baybayin ng Mediterraneo.
Bago ang Digmaang Sibil ng Syria, ang Homs ay pangunahing sentro ng industriya, at may populasyon na 652,609 katao noong senso ng 2004. Ito ang pangatlong pinakamataong lungsod sa Syria kasunod ng Aleppo sa hilaga at Damasco sa timog. Ang populasyon nito ay kumakatawan sa pangkalahatang pagkakaiba-iba ng relihiyon, na binubuo ng Sunni at Alawite at Kristiyano. May mga makasaysayang moske at simbahan sa lungsod, at malapit ito sa kastilyo ng Krak des Chevaliers na isang Pandaigdigang Pamanang Pook.
Hindi lumitaw sa talang pangkasaysayan ang Homs hanggang sa ika-unang dantaon BCE sa panahon ng mga Seleucid. Kalaunan ito ay naging kabisera ng isang kahariang pinamumunuan ng dinastiyang Emesani na hinanguan ng pangalan ng lungsod. Sa simula ito ay sentro ng pagsamba kay El-Gabal na diyos ng araw, subalit nakamit ito ang kahalagahan sa Kristiyanismo sa ilalim ng mga Bisantino. Nilupig ng mga Muslim ang Homs noong ika-7th dantaon at ginawa nilang kabisera ng isang distrito na sumilang sa kasalukuyang pangalan nito. Sa kabuuan ng panahong Islamiko, ang mga dinastiyang Muslim na naglalaban para sa pamamahala ng Syria ay nag-aasam na kunin ang Homs dahil sa estratehikong kinalalagyan nito sa lugar. Nagsimulang humina ang Homs sa ilalim ng mga Otomano at sa ika-19 dantaon lamang naibalik ng lungsod ang kahalagahang ekonomiya nito nang lumakas ang industriyang bulak nito. Noong panahon ng pamumuno ng Mandatong Pranses, naging sentro ng paghihimagsik ang lungsod. Kasunod ng kasarinlan ng Syria noong 1946, naging sentro naman ito ng paglaban ng Baathist sa mga unang pamahalaan ng Syria.
Sa nagaganap na Digmaang Sibil ng Syria, naging kuta ng oposisyon ang Homs. Dahil diyan, naglunsad ng isang paglusob ng militar ang pamahalaan ng Syria laban sa lungsod noong Mayo 2011. Ang kasunod na Paglusob ng Homs ay nagiwan ng pagkawasak ng malaking bahagi ng lungsod at pagkamatay ng libu-libo.[4][5] Ang digmaan sa lungsod ay natapos noong 2015 nang lumisan ang mga rebelde na naging bunga ng tagumpay ng pamahalaan.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Homs". Random House Webster's Unabridged Dictionary.
- ↑ Vailhé, Siméon (1909). "Emesa". Catholic Encyclopedia. Robert Appleton Company. Nakuha noong 26 Pebrero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Distance Between Main Syrian Cities". HomsOnline. 16 Mayo 2008. Nakuha noong 26 Pebrero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mroue, Bassem. "Syrian army launches heavy barrage on city of Homs". Bigstory.ap.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 09 Hulyo 2013. Nakuha noong 13 Mayo 2014.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong); Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - ↑ . BBC News. 27 Enero 2014 http://www.bbc.co.uk/news/world-middle-east-15625642.
{{cite news}}
: Missing or empty|title=
(tulong); Unknown parameter|titlr=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)