Si Quinto Horacio Flaco (8 Disyembre 65 BCE – 27 Nobyembre 8 BCE), na mas nakikilala bilang Horace o Horacio lamang, at tinatawag ding Horacio o Quinto Horacio Flaco, ay ang nangungunang Romanong makatang liriko noong panahon ni Augustus. Itinuring ng mangreretorikong si Quintillian ang Odes ni Horace bilang halos ang tanging liriko o panitik na Latin na mahalagang basahin, na pinangatwiranan ang kanyang pagtaya sa pamamagitan ng mga pananalitang: "Maaari siyang maging matayog o mapagmataas kung minsan, ngunit siya ay puno rin ng karisma at kagaanang-loob, marami siyang nalalaman at nagagawa sa kanyang mga pigura, at may matinding kasiyahan sa kalakasan ng loob sa pagpili ng mga salita."[1]

Horace
Kapanganakan8 Disyembre 65 BCE (Huliyano)
  • (Lalawigan ng Potenza, Basilicata, Italya)
Kamatayan27 Nobyembre 8 BCE (Huliyano)
LibinganRoma
MamamayanSinaunang Roma
Trabahomakatà, manunulat, pilosopo
Magulang
  • unknown
  • unknown

Si Horace ay gumawa rin ng mga eleganteng heksametrong mga berso (Sermones o "Mga Sermon" at Mga Liham) at mga eskandoloso at mapanira ng reputasyon ng ibang tao na iambikong panulaan (Epodes). Ang mga heksametro ay mapaglaro ngunit seryosong mga gawa, na nagbunsod sa sinaunang satiristang si Persius na magpuna ng ganito: "habang tumatawa ang kanyang kaibigan, patago at pataksil na itinuturo ni Horace ang kanyang daliri sa bawat isang kamalian niya; kapag pinapasok na, pinaglalaruan niya ang mga bagting ng puso (Chordae tendineae)".[2] Subalit ang ilan sa kanyang panulaang iambiko ay maaaring tila malupit na nakaririmarim sa modernong mga mambabasa o tagapakinig.[3]

Ang kanyang karera sa larangan ng panulaan ay kapareho o tumutugon at tumutugma sa napakadakilang pagbabago ng Roma mula sa pagiging isang Republika hanggang sa pagiging isang Imperyo. Bilang isang opisyal sa hukbong republikano na nasaktan sa Labanan sa Philippi noong 42 BCE, kinaibigan siya ng kanang kamay na pangkapakanang sibil ni Octavian na si Maecenas, at naging isang parang tagapagsalita para sa bagong rehimen. Para sa ilang mga mamumuna, ang kanyang kaugnayan sa rehimen ay isang maselang paninimbang kung saan nakapagpanatili siya ng isang malakas na sukat ng kalayaan (siya ay "isang maestro ng matikas na paghakbang na pagilid")[4] ngunit para sa iba siya ay, sa parirala ni John Dryden, "isang alipin may mabuting pangingilos at asal".[5][6]

Ang kanyang panulaan ay naging "ang pangkaraniwang pera ng kabihasnan", at nakapagpapanatili pa rin siya ng isang masugid na mga tagasunod, sa kabila ng ilang istigmatisasyon (nadungisan) pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (marahil dahil sa malawakang hindi pagtitiwala ng makalumang pagkamakabayan at luwalhating pang-imperyo, na ikinakilala sa kanya, patas o hindi man makatwiran).[7] Ang mga pag-aaral ukol kay Horace ay naging samu't sari at matindi sa loob ng kamakailang mga taon na hindi na marahil maaaring mangyari na mapangasiwaan ng sinumang dalubhasa ang isang buong saklaw ng mga argumento at mga paksa.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Quintilian 10.1.96. Ang tanging isa pang makatang lirikal na inisip ni Quintillian na maihahambing kay Horace ay ang ngayong hindi na tanyag na makata at teoristang metrikal na si Caesius Bassus (R. Tarrant, Ancient receptions of Horace, 280)
  2. Isinalinwika mula sa sariling 'Mga Satiro' 1.116–17 ni Persius: "omne vafer vitium ridenti Flaccus amico / tangit et admissus circum praecordia ludit."
  3. E. Fraenkel, Horace, 58
  4. J. Michie, The Odes of Horace, 14
  5. Siniping pagbanggit ni N. Rudd mula Discourse Concerning the Original and Progress of Satire ni John Dryden, sinipi mula sa edisyon ni W.P. Ker ng mga sanaysay ni Dryden, Oxford 1926, tomo 2, pp. 86–7
  6. N. Rudd, The Satires of Horace and Persius, 10
  7. V. Kiernan, Horace: Poetics and Politics, ix
  8. S. Harrison, The Cambridge Companion to Horace, 1