Hormonal replacement therapy

Ang hormonal replacement therapy (HRT) o terapiya ng pagdaragdag o pagpapalit ng hormone ay tumutukoy sa anumang uri ng terapiyang hormonal kung saan ang pasyente, sa aspetong pangmedisina, ay nagdaragdag ng mga hormone upang matugunan ang kakulangan ng natural na mga hormone ng katawan o mapalitan ito. Ang mga uri ng HRT ay ang mga sumusunod:

Ang hormonal replacement therapy na para sa menopause ay base sa ideyang ang HRT ay makakatulong na maibsan ang pagkabalisa dulot ng paghinto sa pagdaloy ng mga hormone na estrogen at progesterone. Sa kasong premature menopausal, may kakayahan itong mapatagal ang buhay ng mga hormone at mabawasan ang pagdanas ng demensiya. Gumagamit ng isa o higit pang medikasyong idinisenyo para sa artipisyal na pagpapataas ng lebel ng mga hormone. Ang mga pangunahing uri nito ay estrogen, progesterone o progestin at kung minsan ay testosterone. Ito ay madalas na tinutukoy bilang treatment imbis na therapy.

Ang hormonal replacement na para sa transgender ay ang pagbibigay sa katawan ng mga sex hormone ng nais na kilalaning kasarian (testosterone para sa trans men at estrogen sa trans women). Ang ibang mga taong intersex ay maari ring gumamit ng HRT. Ang cross-sex hormone treatment na para sa mga transgender ay nahahati sa dalawang mga pangkat: HRT (lalaki patungong babae) at HRT (babae patungong lalaki).

Ang androgen replacement therapy ay ang hormone treatment na madalas na inirirekomendang panlaban sa epekto ng hypogonadism sa kalalakihan. Ito rin ay inirirekomenda upang mabawasan ang epekto o maantala ang normal na pagtanda. Dagdag pa rito, ang androgen replacement therapy ay ginagamit din sa mga lalaking nawalan ng gana sa pakikipagtalik dulot ng iba’t ibang sakit.

Mga sanggunian

baguhin