Howard the Duck
Si Howard the Duck (literal sa Tagalog bilang "Howard ang Bibe") ay isang kathang-isip na karakter mula sa Marvel Comics na nilikha ng manunulat na si Steve Gerber at tagaguhit na si Val Mayerik. Unang lumabas si Howard the Duck sa Adventure into Fear #19 (petsang nasa pabalat: Disyembre 1973) at ilang sumunod na mga serye na sinasalaysay ang mga kabiguan ng masungit, antromporpikong "nakakatuwang hayop" na hindi makaalis sa Daigdig na namamayani ang mga tao.
Howard the Duck | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | Marvel Comics |
Unang paglabas | Adventure into Fear #19 (Disyembre 1973) |
Tagapaglikha | Steve Gerber Val Mayerik |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Howard |
Kasaping pangkat | Defenders All-Night Party |
Kilalang alyas | Son of Satan (dati) |
Kakayahan | Maestro ng Quack-Fu |
Ang mga pakikipagsapalaran ni Howard ay pangkalahtang pangungutya sa lipunan, habang may ilan na parodya sa uring piksiyon na may isang metapiksiyon na kamalayan sa medyum. Ang aklat ay eksistensiyalista, at ang pangunahing biro nito, sang-ayon kay Gerber, ay wala itong biro: "na ang pinakaseryosong sandali ng buhay at hindi kapani-paniwalang tangang sandali ay kadalasang natutukoy lamang sa pamamagitan ng isang panandaliang pananaw."[1] Lubos itong salungat sa manunulat ng eksena na si Gloria Katz, na, sa pag-angkop ng komiks sa pelikula, ay sinabing, "Isa itong pelikula tungkol sa isang bibe mula sa kalawakan... Hindi dapat ito maging isang karanasang eksitensyal."[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Where are the jokes? Howard the Duck meets his creator". Mediascene (sa wikang Ingles). Supergraphics (#25): 4–7. Hunyo 1977.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McCoy, Paul Brian (16 Marso 2010). "F.O.O.M. (Flashbacks of Ol' Marvel) #13: "If It Ain't Funk He Don't Feel It: Howard the Duck (1986)"" (sa wikang Ingles). Comics Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hulyo 2010. Nakuha noong 3 Pebrero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)