Hubo't hubad

(Idinirekta mula sa Hubad)

Ang hubu't-hubad[1], hubo't hubad o hubo at hubad[2] ay ang kawalan ng pantakip na kasuotan ng isang tao. Sa kalagayang ito, nakalantad ang buo o bahagi ng mga maseselan at pribadong parte ng katawan. Sa paghihiwalay ng dalawang mga salitang ito, tumutukoy ang hubo o kahubuan sa kawalan ng damit mula sa baywang paibaba habang ang hubad o kahubaran naman ay kawalan ng kasuotan mula baywang pataas.[1] Nakalantad ang lahat ng mga panlabas na bahagi ng katawan sa kalagayan ng kahubaran.[1]

La maja vestida o "ang marikit o kaakit-akit na nakadamit" ni Goya. Ipinintang bersyon na may-damit.
La maja desnuda o "ang marikit na walang saplot" ni Goya. Bersyong ng dibuho na walang-damit.
Larawan ng isang binatilyong batang lalaki na nakadamit, kalahating hubad, at hubad na hubad.
Hubad na babae at lalake - Posterior (Likod)
Hubad na babae at lalake (kasali ang mga label) - Anterior (Harap)

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Hubu't-hubad". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  2. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Nude, naked, hubo, hubad, hubo't hubad, hubo at hubad". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.