Kasu-kasuan
Ang kasu-kasuan o kasukasuan (Ingles: joint) ay ang lokasyon ng sugpungan, sugpong, hugpong, hugpungan, palahugpungan[1] o datigan[2] kung saan dalawa o higit pang bilang ng mga buto ang nagduduop, nagkakadikit, o nag-uugnayan.[3] Binuo silang nagpapahintulot ng galaw at nagbibigay ng suportang mekanikal, at kinaklasipika ayon sa kayarian o istruktura at ayon sa tungkulin o punksiyon.[4]
Klasipikasyon
baguhinPangunahing pinagtitipun-tipon ang mga kasu-kasuan batay sa kayarian at tungkulin. Ang pangkayariang klasipikasyon ay napag-aalaman sa pamamagitan ng kung paanong dumirikit sa bawat isa ang mga buto. Samantala, nalalaman naman ang klasipikasyong pangtungkulin sa pamamagitan ng antas ng galaw sa pagitan ng mga butong nagsasagawa ng artikulasyon (tinatawag ding artikulasyon ang kasu-kasuan). Sa pagsasagawa, mayroong pagkakapatung-patong sa pagitan ng dalawang mga uri ng mga klasipikasyon.
Klasipikasyong pangkayarian
baguhinPinapangalanan at hinahati sa klasipikasyong istruktural ang mga kasu-kasuan ayon sa kung paano kumakabit ang mga buto sa bawat isa.[5] Mayroong tatlong pangkayariang pagpapangkat ang mga kasu-kasuan:
- kasu-kasuang mahibla - pinagdirikit ng mahiblang tisyung pangkunekta
- kasu-kasuang kartilahiyoso - pinagdirikit ng butong mura
- kasu-kasuang sinobyal - hindi tuwirang magkadikit
Klasipikasyong punksiyonal
baguhinMaaari ring pagpangkat-pangkatin ang mga kasu-kasuan ayon sa tungkulin ng mga ito, sa pamamagitan ng degri o antas ng mobilidad o paggalaw na pinapahintulot ng mga ito:[6]
- sinartrosis - nagpapapayag ng kaunti o walang paggalaw. Karamihan sa mga kasu-kasuang sinartrosis ang kasu-kasuang may pibra (halimbawa: sugpungan ng mga buto sa bao ng bungo).
- ampiartrosis - nagpapahintulot ng bahagyang pagkilos. Karamihan sa mga kasu-kasuang ampiartrosis ang mga kasu-kasuang mabutong-mura (halimbawa: gulugod).
- diartrosis - nagpapahintulot ng samu't saring mga galaw. Lahat ng mga kasu-kasuang diartrosis ang kasu-kasuang sinobyal (halimbawa: balikat, balakang, siko, tuhod, atbp.), at ang mga salitang "diartrosis" at "kasu-kasuang sinobyal" ay itinuturing na magkatumbas ng Terminologia Anatomica.[7]
Klasipikasyong biyomekanikal
baguhinMaaari ring iklasipika ang mga kasu-kasuan batay sa kanilang anatomiya o sa kanilang mga pag-aaring katangiang biyomekanikal. Ayon sa klasipikasyong anatomikal, nahahati ang mga kasu-kasuan ayon sa payak at tambalan, depende sa bilang ng mga butong kasangkot, at sa mga kasu-kasuang salasalabat at pinagsama (tinatawag ding kumbinasyon o palakipan):[8]
- Kasu-kasuang payak: 2 kalatagan ng artikulasyon (halimbawa: kasu-kasuang pambalikat, kasu-kasuan ng balakang)
- Kasu-kasuang tambalan: 3 o mahigit pang kalatagan ng artikulasyon (halimbawa: kasu-kasuang radyokarpal)
- Kasu-kasuang salasalabatt: 2 o mahigit pang kalatagan ng artikulasyon at isang diskong artikular o meniskus (halimbawa: kasu-kasuang pangtuhod)
Klasipikasyong anatomikal
baguhinPang-anatomiyang mapagtitipun-tipon ang mga kasu-kasuan ayon sa sumusunod na mga pangkat:
- Mga artikulasyon ng kamay
- Mga kasu-kasuan ng siko
- Mga kasu-kasuan ng galang-galangan
- Mga artikulasyon ng kili-kili
- Mga kasu-kasuang isternoklabikular
- Mga artikulasyong panggulugod
- Mga kasu-kasuang temporomandibular
- Mga kasu-kasuang sakro-iliak
- Mga kasu-kasuang pambalakang
- Mga kasu-kasuan ng tuhod
- Mga artikulasyon ng paa
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Joint, articulation - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ joint, pinagdatigan, lingvozone.com
- ↑ Joint sa eMedicine Dictionary [patay na link]
- ↑ Ellis, Harold; Susan Standring; Gray, Henry David (2005). Gray's anatomy: the anatomical basis of clinical practice. St. Louis, Mo: Elsevier Churchill Livingstone. p. 38. ISBN 0-443-07168-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "Introduction to Joints (3)". anatomy.med.umich.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-08. Nakuha noong 2008-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Introduction to Joints (2)". anatomy.med.umich.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-18. Nakuha noong 2008-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ synovial joint sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles)
- ↑ "Introductory Anatomy: Joints". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-18. Nakuha noong 2008-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)