Sa anatomiya ng tao, ang tuhod ay ang kasu-kasuuan o ugpungan o dugtungan na nagdirikit sa femur at sa lulod. Dahil sa ang ang tuhod ang haliging pumapasan sa halos kabuuang bigat sa tao, ito ang pinakakadalasang napipinsala at nagkakaroon ng osteoartritis.

Tuhod ng isang babaeng tao.
Tuhod ng isang lalaking tao.

Gamit ng tuhod

baguhin

Ang tuhod ang gumaganap bilang may-buhay na transmisyon na may kakayahang kumalinga o kumandili sa sarili na may layuning tumanggap at maglipat ng mga biomekanikal na mga pasanin sa pagitan ng femur, lulod, patella, at fibula. Sa paghahambing na ito ang mga ligamento ang kumakatawan sa matigas, madaling-makagamay, at nakadaramang ugnayan sa loob ng transmisyong pam-biyolohiya. Gumaganap ang kartilahiyong artikular (malambot na buto) bilang mga pangibabaw na gulong o bearing (bilang analohiya sa mga bahaging bearing ng isang makina sa wikang Ingles), at ang menisci bilang mga gumagalaw na bearing. Gumaganap ang mga muskulo bilang mga may-buhay na selulang makina na sa tinipong paggalaw (kontraksiyon) ay nagbibigay ng lakas na panggalaw sa kahabaan ng ugpungan, at gumaganap bilang mga preno at sistemang pampabagal sa kontraksiyong eksentriko, na tumatanggap ng mga pasaning mabibigat.

Mga sanggunian

baguhin
 
X-ray ng isang tuhod.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.