Hukbong dagat

(Idinirekta mula sa Hukbong Dagat)

Ang hukbong dagat ay bahagi ng militar ng isang bansa na lumalaban sa anyong tubig sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat o bapor. Tinatawag na mga malalayag (sailor) ang mga taong nasa hukbong dagat. Karamihang binubuo ng mga sasakyang pandagat na pandigma ang hukbong dagat. Maaaring may sarili silang hukbong himpapawid at mga sundalo. Mayroon din silang mga natatanging mga sasakyang pandagat na maaaring pumunta sa ilalim ng dagat, tinatwag na submarino. Sila rin ang hukbong nangangalaga at nagbabantay sa katubigan.

USS Lassen ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.