Barko
Ang barko ay isang malaking sasakyang pantubig na ginagamit para sa pandagat na paglalakbay. Ang mga barko ay ginagamit ng pamahalaan (sa operasyong militar, pansagip, at bilang transportasyon), pribadong kompanya at institusyon (bilang transportasyon at sa pangingisda), at indibiduwal (sa personal na pananaliksik at personal na libangan tulad ng malalaking yate). Ang isang barko ay mayroong sapat na sukat upang makapagdala ng sarili nitong bangka. Isang tuntunin na "ang bangka ay kasya sa barko ngunit ang barko ay hindi kasya sa bangka."
Pagkatapos ng ika-15 dantaon, mahalagang naiambag ng mga bagong pananim mula at tungo sa Kaamerikahan sa pamamagitan ng mga mandaragat mula Europa sa paglago ng populasyon ng mundo.[1] Responsable ang transportasyong barko sa malaking bahagi ng komersyo ng mundo. Noong 2016, mayroong nang higit sa 49,000 barkong pangkalakal, na may kabuuang halos 1.8 bilyong toneladang kabigatan. 28% sa mga ito ang barkong-tangkeng panlangis, 43% bultong tagapagdala, 13% ang barkong lalagyan.[2]
Daong
baguhinAng daong o arka ay isang malaking bangka[3], katulad ng Arka ni Noe na isang sasakyang pantubig na katulad ng isang lumulutang na bahay.[4] Magkasingkahulugan ang daong at barko. Sa Hebreo, katumbas ang arka ng salitang teba na may ibig sabihing kahon o kaban[5], katulad ng sa Kaban ng Tipan. Tinatawag din ito bilang arko subalit hindi dapat ikalito sa arko na katawagan sa arkitektura.
Kapag naging pandiwa ang salitang daong, tumutukoy na sa pagpondo, pag-angkla, o pagtigil sa daungan ng isang sasakyang pandagat kahit hindi isang daong ito.
Galerya
baguhin-
Isang uri ng barko
-
Amerigo Vespucci, isang barkong Italyano
-
USS Savannah, barkong pandigma ng Amerika
-
BRP Magluyan, barkong pandigma ng Pilipinas
-
Colombo Express, isang barkong pangkalakal
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "The Columbian Exchange". The University of North Carolina. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-07-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hoffmann, Jan; Asariotis, Regina; Benamara, Hassiba; Premti, Anila; Valentine, Vincent; Yousse, Frida (2016), "Review of Maritime Transport 2016" (PDF), Review of Maritime Transport (sa wikang Ingles), United Nations: 104, ISBN 978-92-1-112904-5, ISSN 0566-7682
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ English, Leo James (1977). "Arka, daong". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 72. - ↑ "Noah's Ark". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 163. (sa Ingles) - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Arka, teba, kahon, kaban". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)