Hyderabad, India
Ang Hyderabad ( /ˈhaɪdərəbɑːd/ HY-dər-ə-baad) ay ang kabisera ng estado ng Telangana at de jure na kabisera ng Andhra Pradesh.[A] Sumasakop ito sa 650 kilometro kuwadrado (250 milya kuwadrado) na lawak sa kahabaan ng mga pampang ng Ilog Musi. Mayroon itong populasyon na 6.9 milyon sa city proper nito at humigit-kumulang 9.7 milyon sa Kalakhang Rehiyon ng Hyderabad, kaya ito ang pang-apat na pinakamataong lungsod sa bansa at pang-anim na pinakamataong pook na urbano sa India. Ito ay nasa karaniwang taas na 542 metro (1778 talampakan) at nakapuwesto sa maburol na lupa sa paligid ng mga lawang artipisyal, tulad ng Hussain Sagar sa hilaga ng sentro ng lungsod at umiiral na bago ang pagtatatag ng lungsod.
Hyderabad | |
---|---|
Paikot sa kanan mula sa pinakataas: Panoramang urbano ng distritong pinansiyal ng Hyderabad; Kutang Golconda; Hussain Sagar; mga minarete ng Charminar; HITEC City, ang pusod ng mga kompanya ng teknolohiyang pang-impormasyon; Lehislatura ng Telangana. | |
Palayaw: Lungsod ng Mga Perlas | |
Mga koordinado: 17°22′N 78°29′E / 17.37°N 78.48°E | |
Bansa | India |
Estado | Telangana |
Rehiyon | Kalakhang Rehiyon ng Hyderabad, Deccan |
Distrito |
|
Itinatag | 1591 |
Nagtatág | Muhammad Quli Qutb Shah |
Pamahalaan | |
• Uri | Korporasyong munisipyo |
• Konseho | Greater Hyderabad Municipal Corporation, Hyderabad Metropolitan Development Authority |
• Alkalde | Bonthu Ram Mohan |
Lawak | |
• Lungsod ng Hyderabad | 650 km2 (250 milya kuwadrado) |
• Kalakhang Rehiyon ng Hyderabad | 7,257 km2 (2,802 milya kuwadrado) |
Taas | 505 m (1,657 tal) |
Populasyon (2011) | |
• Lungsod ng Hyderabad | 6,809,970 |
• Ranggo | Pang-apat |
• Kapal | 10,477/km2 (27,140/milya kuwadrado) |
• Metro | 9,700,000 |
• Ranggo ng metro | Pang-anim |
Demonym | Hyderabadi |
Sona ng oras | UTC+5:30 (IST) |
(Mga) kodigong postal | 500 xxx, 501 xxx, 502 xxx. |
Kodigo ng lugar | +91–40, 8413, 8414, 8415, 8417, 8418, 8453, 8455 |
Plaka ng sasakyan | TS 07 to TS 15 (earlier – AP09 to AP-14 and AP 28,29) |
Metro GDP (PPP) | $40–$74 billion[1] |
Mga opisyal na wika | Telugu, Urdu |
Websayt | ghmc.gov.in |
Itinatag ni Muhammad Quli Qutb Shah ang Hyderabad noong 1591 at nanatili ito sa ilalim ng pamumuno ng dinastiyang Qutb Shahi sa loob ng halos isang dantaon bago kinuha ng mga Mughal ang rehiyon. Noong 1724, idineklara ni Mughal na viceroy Asif Jah I ang kaniyang soberanya at itinatag ang sarili niyang dinastiya na nakilala bilang mga Nizam ng Hyderabad. Ang mga kinasasakupan ng Nizam ay naging isang pamprinsipeng estado noong panahon ng British Raj, at nanatili ito sa loob ng 150 taon kalakip ang lungsod na nagsisilbi nitong kabisera. Tumuloy ang Hyderabad bilang kabisera ng Estado ng Hyderabad pagkaraang sinama ito sa Unyong Indiyano noong 1948, at naging kabisera ito ng Andhra Pradesh kasunod ng States Reorganisation Act, 1956. Mula noong 1956, ang Rashtrapati Nilayam na matatagpuan sa lungsod ay naging tanggapan ng Pangulo ng India kapag taglamig. Noong 2014, humiwalay mula sa Andhra Pradesh ang bagong-tatag na estado ng Telangana, at naging kabisera ng kapuwang mga estado ang Hyderabad, isang pansamantalang kaayusan na nakatakdang matatapos pagsapit ng taong 2025.
Talababa
baguhin- ↑ Ayon sa Andhra Pradesh Reorganisation Act, 2014 bahaging 2 Seksiyon 5:(1) On and from the appointed day, Hyderabad in the existing State of Andhra Pradesh, shall be the common capital of the State of Telangana and the State of Andhra Pradesh for such period not exceeding ten years.
(2) After expiry of the period referred to in sub-section (1), Hyderabad shall be the capital of the State of Telangana and there shall be a new capital for the State of Andhra Pradesh.
The common capital is defined as the existing area notified as the Greater Hyderabad Municipal Corporation under the Hyderabad Municipal Corporation Act, 1955. Though Andhra Pradesh uses facilities in Hyderabad during the transition period, Telangana state is responsible for day-to-day administration of the city. City MLAs are members of the Legislature of Telangana (§ 3 and 18(1) of the Act).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Global city GDP 2014". Brookings Institution. 22 Enero 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 25 Mayo 2017. Nakuha noong 4 Marso 2017.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)- "Global city GDP rankings 2008–2025". Pricewaterhouse Coopers. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 4 Mayo 2011. Nakuha noong 16 Disyembre 2009.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - "Drinking water supply for urban poor: City of Hyderabad" (PDF). Safe Water Network. 1 Oktubre 2016. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 3 Marso 2017. Nakuha noong 3 Marso 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- "Global city GDP rankings 2008–2025". Pricewaterhouse Coopers. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 4 Mayo 2011. Nakuha noong 16 Disyembre 2009.
Bibliograpiya
baguhin- Prasad, G. Durga (1988), History of the Andhras up to 1565 A.D. (PDF), Guntur: P.G. Publishers, inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2015-04-24, nakuha noong 2019-08-18
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Sardar, Marika (2007), Golconda through Time: A Mirror of the Evolving Deccan (PhD thesis, New York University), ProQuest, ISBN 978-0-549-10119-2
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- A guide to Hyderabad
- Hyderabad Metro
- Hyderabad, India sa Proyektong Bukas na Direktoryo
- Hyderabad Encyclopædia Britannica entry
Ang lathalaing ito na tungkol sa India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.