I-beam
Ang I-beam ay panlahat at pangkaraniwan na terminong ginagamit para sa mga istruktural na miyembro na may cross-section na may hugis “I” o “H”. Iba pang mga teknikal na termino para sa mga magkatulad na istruktura ay H-beam (para sa unibersal na column, UC), W-beam (para sa “wide flange”), universal beam (UB), rolled steel joist (RSJ), o double-T (lalo na sa wikang Polako, Bulgaro, Espanyol, Italyano, at Aleman). Ang I-beam ay karaniwang ginagawa mula sa structural steel at ginagamit sa maraming aspeto at pangangailangan ng pagtatayo.
Ang mga pahalang na elemento ng I-beam ay tinatawag bilang “flanges”, at ang mga elemento na patayo ay kilala bilang “web”. Lumalaban ang web sa mga shear forces, at lumalaban naman ang flanges sa bending moment na nararanasan ng biga. Pinapakita ng Euler–Bernoulli beam equation na ang anyong I-shape na section ay episyente para sa pagbubuhat ng bending at shear loads ng sabay sa plane ng web. Sa kabalintunaan, bawas ang kakayahan ng cross-section sa direksyong nakahalang. Hindi rin ito episyente sa pagbubuhat ng torsiyon, kaya sa ganitong kaso mas pabor ang structural section na guwang.
Ang paraan ng paggawa ng I-beam, na rolled sa isang piraso ng pundidong bakal (iron), ay patented ni Alphonse Halbou ng kompanya Forges de la Providence noong 1849.
Ang Bethlehem Steel ay dating pangunahing tagapagtustos ng rolled structural steel para sa maraming mga Amerikanong tulay at skyscraper sa kalagitnaan ng ika-20 na siglo. Para sa mga kasalukuyang istruktura na ganito, ang mga rolled cross-section ay bahagyang pinalitan ng fabricated cross section.