Ideolohiyang pampolitika

Sa araling panlipunan, ang isang adhikaing pampolitika, mithiing pampolitika, ideolohiyang pampolitika, o paniniwalang pampolitika ay ang isang partikular o tiyak na pang-etikang pangkat ng mga ideolohiya, mga adhikain, mga mithiin, mga paniniwala, mga doktrina, mga mito, o mga simbolo ng isang kilusang panlipunan, institusyon, klase, at/o malaking pangkat na nagpapaliwanag ng kung paanong gagalaw o kikilos ang lipunan, at nag-aalok ng ilang mga balangkas na pampolitika at pangkalinangan para sa isang partikular na kaayusang panlipunan. Ang isang ideolohiyang pampolitika ay malawakang nakatuon sa kung paano ilalaan o ipapamahagi ang kapangyarihan at sa kung anong mga hangarin ito dapat gamitin. May ilang mga partido na napakahigpit na sumusunod sa isang tiyak na ideolohiya, habang ang iba ay kumukuha ng malawak na inspirasyon magmula sa isang pangkat ng kaugnay na mga ideolohiya na hindi tiyak na yumayakap sa anuman sa mga ito. Ang katanyagan ng isang ideolohiya, sa isang bahagi, ay dahil sa impluwensiya ng mga mangangalakal ng moralidad, na paminsan-minsang gumaganap o kumikilos para sa kanilang pansariling mga layunin o mga hangarin.

Ang mga ideolohiyang pampolitika ay mayroong dalawang mga dimensiyon:

  1. Mga layunin: kung paano iaayos ang lipunan.
  2. Mga pamamaraan o metodo: ang pinaka naaangkop na paraan upang makamit ang mga layunin.


LipunanPolitika Ang lathalaing ito na tungkol sa Lipunan at Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.