Ang Ikapitong Taon o Pampitong Taon, na kilala rin bilang Shmita (Hebreo: שמיטה‎, literal na "pakawalan" o "palayain") at Taong Sabatikal (Ingles: Sabbatical Year), ay ang pangpitong taon ng pitong taong siklo o pag-inog na agrikultural o pampagsasaka at pag-ani. Alinsunod ito sa Tora para sa Lupain ng Israel, at kasalukuyang isinasagawa pa rin sa kontemporaryong Hudaismo. Sa taong ito, na dumarating tuwing ikapitong taon, hindi nililinang o sinasaka ng sinaunang mga Israelita ang kanilang mga sakahan, taniman, o bukirin, at kinakansela, binabalewala, pinagwawalang-bahala ang mga pagkakautang.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. American Bible Society (2009). "Seventh year". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 135.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.