Ang Ikawalong Krusada ang krusada na inilunsad ng Hari ng Pransiyang si Louis IX noong 1270. Ang Ikawalong Krusada ay minsang binibilang na Ikapito, kung ang Ikalimang Krusada at Ikaanim na Krusada ni Frederick II ay bibilanging isang krusada. Ang Ikasiyam na Krusada ay minsang binibilang na bahagi ng Ikawalong Krusada. Nabalisa si Louis sa mga pangyayari sa Syria kung saan ang Mamluk sultan Baibars ay umaatake sa natitira ng mga estado ng nagkrusada. Sinunggaban ni Baibars ang pagkakataon pagkatapos na ang isang digmaan na naglalaban ng mga siyudad ng Venice at Genoa sa bawat isa (1256–1260) ay umubos sa mga puertong Syrian na kinokontrol ng dalawang mga siyudad. Noong 1265, nasakop ni Baibars ang Nazareth, Toron, Asruf. Si Hugh III ng Cyprus na nominal na hari ng kaharian ng Herusalem ay lumapag sa Acre upang ipagtanggol ang siyudad samantalang si Baibars ay nagmartsa hanggang sa hilaga sa Armenia na sa panahong ito ay nasa kontrol ng Mongol. Ang mga pangyayaring ito ay nagtulak kay Louis na tumawag ng isang bagong krusada noong 1267 bagaman may kaunting suporta sa panahong ito. Ang nagkokronikang si Jean de Joinville na sumama kay Loius sa Ikapitong Krusada ay tumangging pumunta. Si Louis ay agad na nahikayat ng kanyang kapatid na si Charles ng Anjou na atakihin muna ang Tunis na magbibigay sa kanila ng isang malakas na base para sa pag-atake sa Ehipto. Ito ang layunin ng Ikaanim na Krusada ni Louis dayundin din ang Ikalimang Krusada bago niya na parehong natalo doon. Si Charles ng Kaharian ng Sicily ay may sariling interes rin sa sakop na ito ng Meditteraneo. Ang Khalif ng Tunis na si Muhammad I al-Mustansir ay may mga koneksiyon rin sa Espanyang Kristiyano at itinuturing na mabuting kandidato para sa pang-aakay. Noong 1270, si Louis ay lumapag sa baybaying Aprikano noong Hulyo na isang napaka hindi kanais nais panahon para paglapag. Ang karamihan ng hukbo ay nagkasakit dahil sa maruming inuming tubig. Ang kanyang anak na ipinanganak sa Damietta na si John Sorrow ay namatay noong Agosto 3[1] at noong Agosto 25 ay namatay si Lous mula sa isang flux sa tiyan isang araw pagkatapos ang pagdating ni Charles. Ang kanyang salita sa pagkamatay ay "Herusalem:". Prinoklama ni Charles ang anak ni Louis na si Philip III ng Pransiya na bagong hari ngunit dahil sa kanyang pagiging bata, si Charles ang naging aktuwal na pinuno ng krusada. Dahil sa karagdagang mga sakit, ang pagsalakay sa Tunis ay inabandona noong Oktubre 3 sa isang kasunduan sa sultan. Sa kasunduang ito, ang mga Kristiyano ay nagkamit ng malayang pakikipagkalakalan sa Tunis at ang parsiyal na tagumpay. Pagkatapos marinig ang kamatayan ni Lous at ang paglikas ng mga nagkrusad mula sa Tunis, kinansela ni Sultan Baibars ng Ehipto ang kanyang plano na magpadala ng mga hukbo upang labanan si Louis sa Tunis.[2] Sa ngayon ay nakipagalyansa na si Charles sa Prinsipe Edward ng Inglater na dumating. Nang ipinagpaliban ni Charles ang pagtake sa Tunis, si Edward ay nagpatuloy tungo sa Acre na huling nagkrusada sa bantay sa Syria. Ang kanyang ginugol doon ay kadalasang tinatawag na Ikasiyam na Krusada.

Eighth Crusade
Bahagi ng the Crusades

Death of Louis IX during the siege of Tunis
Petsa1270
Lookasyon
Resulta Treaty of Tunis
Death of Louis IX.
Opening of trade with Tunis.
Pagbabago sa
teritoryo
Status quo ante bellum
Mga nakipagdigma

Crusaders

Muslims

Mga kumander at pinuno
Louis IX
Charles I
Muhammad I al-Mustansir
Padron:Crusade

Mga sanggunian

baguhin
  1. John Sorrow (in French Jean Tristan) was born in Damietta, Egypt on April 8, 1250 during the Seventh Crusade.
  2. Al-Maqrizi, p. 69/vol.2