Illinois Institute of Technology
Ang Illinois Institute of Technology (Illinois Tech o IIT) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na nasa Chicago, Illinois, Estados Unidos. Ito ay itinatag mula sa pagsasanib noong 1940 ng Armour Institute at Lewis Institute. Ang unibersidad ay may mga programa sa inhenyeriya, agham, sikolohiya, arkitektura, negosyo, komunikasyon, pang-industriyang teknolohiya, teknolohiyang pang-impormasyon, disenyo at batas. Ang kasaysayan nito ay maiuugat sa ika-19 siglo sa pagtatatag ng mga institutsyong panteknolohiya sa Estados Unidos. Ang Institute of Design, Chicago-Kent College of Law, at Midwest College of Engineering ay isinanib din sa unibersidad.
41°50′05″N 87°37′42″W / 41.8347°N 87.6283°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.