Si Iluminado Lucente ay kinikilala bilang pangunahing mandudula sa literaturang Waray.

Iluminado Lucente
Kapanganakan14 Mayo 1883
Kamatayan14 Pebrero 1960
MamamayanPilipinas
Trabahomandudula

Una siyang nag-aral sa Colegio de San Jose sa Tanawan, Leyte. Ang kanyang mataas na paaralan ay sa Liceo de Manila at Colegio Mercantel ng Manuel Jhocson kung saan siya ay nagtapos ng may karangalan.

Naging patnugot siya ng kauna-unahang pahayagang Waray na ipinalimbag sa Leyte noong 1901, ang Kaadlawon. Bilang mamamahayag, pinagmalasakitan niyang bigyan ng solusyon ang mga panlipunan at pampolitika na problema at binatikos ang moral ng lipunan sa kanyang panahon.

Naging Alkalde siya ng Tacloban at kinilala siya sa kanyang katapatan at mga mabubuting nagawa sa pamahalaang local.

Nakasulat siya ng mga tula at humigit-kumulang sa 30 dula. May pagkasarkastiko ang himig ng mga sinulat niyang saynete at sarsuela. Karaniwang ang kanyang mga dula ay pumupuna sa moral at mga kahinaan o kabiguan ng mga Waray. Ilan sa mga dulang karapat-dapat banggitin ay ang Up Limit Pati An Gugma (Love is off Limit Too); Abugho (Jealousy); Diri Daraga, Diri Bulo, Diri Imasaw-an (Not a Maiden, Not a Widow, Not a Married Woman).


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.