Improbisadong sandatang pumuputok

(Idinirekta mula sa Improvised firearm)

Ang isang improbisadong sandatang pumuputok ay isang uri ng sandatang pumuputok na binuo ng isang tao na hindi karaniwang gumagawa ng mga sandatang pumuputok (hindi ginawa ng isang tagapagmanupaktura ng mga sandatang pumuputok o hindi ginawa ng isang bihasang tagagawa ng baril), at karaniwang binuo sa pamamagitan ng pag-aangkop ng umiiral na mga materyal para sa layunin. Tinatawag ng maraming gma pangalan, ang sandatang improbisado ay sumasaklaw sa mga sandatang mababa ang kalidad na mapanganib sa kapwa tagagamit at sa puntirya ng sandata, hanggang sa mga sandatang matataas ang kalidad ng pagkakagawa na nililikha ng mga ilegal na subkontraktor (kabahaging kontratista) na gumagamit ng mga sinagip (sinalba lamang mula sa mga materyal na itatapon na o hindi na kailangan o hindi na gagamitin) at muling binigyang ng layunin na mga materyal.[1][2][3]

Karamihan sa mga bansa ay mayroon mga kontrol na pampangasiwa ng produksiyon, pagbebenta, at pagmamay-ari ng mga sandata at mga amunisyon (mga bala) (tingnan ang politika ng baril para sa kabatirang pangrehiyon). Nangangahulugan na, sa halos pangkalahatan, ang mga sandatang pumuputok na improbisado ay ginagawa sa ilegal na paraan o labag sa batas, na ang pagiging may-ari at paggamit ng mga ito ay kriminal din. Ang mga improbisadong mga sandatang pumuputok ay karaniwang ginagamit ng mga kriminal at mga manghihimagsik bilang mga kasangkapan, kung kaya't madalas na may kaugnayan sa ganiyang mga pangkat.[4][5]

Ang iba pang mga paggamit ng improbisadong mga sandatang pumuputok ay kinabibilangan ng pagtatanggol sa sarili sa mga pook na walang batas, o sa mga nagdarahop na rural na mga lugar para sa mga pangangaso ng mga hayop upang maging pagkain o upang maipagbila ang nahuling mga hayop.[6]

Sumpak

baguhin
 
Sumpak

Ang sumpak ay isang uri ng sandatang pumuputok na binuo sa pamamagitan ng halos improbisadong mga materyal, katulad ng mga tubo ng gas at mga bariles. Ang ilan ay mayroong mga gatilyo at gumagamit ng mga pamalo katulad ng sa mga tunay na baril. Ang iba naman ay mayroong mga talasok na pampaputok na maaaring gumagamit ng isang matibay na pampaigkas o lakas ng tao upang kalampagin o patamaan ang kanyon ng baril na mayroong lamang mga bala. Isa itong sandatang pumuputok na mababa ang kalidad subalit mabisa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Harlan Ellison (1983). Memos from Purgatory. Ace Books. ISBN 0-441-52438-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Kabanata 4
  2. "Solon foresees export potential in local gun making industry". Sun Star. 30 Mayo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-29. Nakuha noong 2013-05-30.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. India's corner of mystery: Bihar's poor and lawless
  4. "Questions And Answers Page".
  5. "Homemade Filipino Gun". Smithsonian Institution. Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-02-12. Nakuha noong 2013-05-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Gun briefing backfires in China". BBC News. 18 Hulyo 2008. Nakuha noong 5 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Ugnay Panlabas

baguhin