Pampaigkas

(Idinirekta mula sa Amunisyon)

Ang mga pampaigkas o artileriya ay tumutukoy sa mga kanyon o mga katulad nitong nagpapaigkas ng mga bala o ibang bagay, katulad ng tirador at katapulto. Maaaring tumukoy din ang artilerya sa mga sundalong nangangasiwa at nagpapanatili ng mga kanyon.[1] Isa itong malayuang sandata na inilulunsad ang mga munisyon na malayo sa maabot at lakas ng mga sandatang pumuputok ng impantriya.

Artileriya na nagpapaputok

Noong ika-20 dantaon, umusbong ang mga kagamitang kumukuha ng target (tulad ng radar) at kapamaraanan (tulad ng pagtukoy ng koordinado batay sa tunog at pagtukoy ng posisyon ng kalaban na hindi nakikita ng mahabaang paraan) na pangunahing ginamit para sa artileriya. Kadalasang ginagamit ang mga ito ng isa o higit pang armadong artileriya. Ipinakilala ng malawakang adopsyon ng indirektang pagpapaputok noong unang bahagi ng ika-20 dantaon ang pangangailangan para espesyalista sa datos para sa artileriya sa pook ng labanan, kapansin-pansin ang agrimensura at pangmeteorolohiya, at sa ilang mga hukbo, probisyon ng mga ito ang responsibilidad ng sandatang artileriya. Dulot ng artileriya ang karamihan sa mga namatay sa labanan noong Digmaang Napoleoniko, Unang Digmaang Pandaigdig, at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[2] Noong 1944, sinabi ni Joseph Stalin sa isang talumpati na "diyos ng digmaan" ang artileriya.[2]

Kasaysayan

baguhin
 
Isang tansong "kanyong na libong bolang kulog" mula sa Huolongjing.

Ang mga sistemang mekanikal na ginagamit sa paghahagis ng munisyon sa sinaunang labanan, kilala din bilang "mga makina ng digmaan", tulad ng katapulto, onagro, trebusyete at balista, ay tinutukoy ng mga mananalaysay ng militar bilang artileriya.

Medyebal

baguhin

Noong panahong medyebal, maraming uri ng artileriya ang nagawa, pinakakapansin-pansin ang trebusyete. Ginamit ang mga trebusyanteng traksyon, gamit ang lakas ng tao na ilunsad ang panudla, sa sinaunang Tsina simula noong ika-4 na dantaon bilang mga sandatang kontra-tauhan. Bagaman, noong ika-12 dantaon, ipinakilala ang kontra-bigat na trebusyante, na may pinakamaagang pagbanggit noong 1187.[3]

Imbensyon ng pulbura

baguhin
 
Isang paglalarawan ng isang unang kanyong hugis-plorera (ipinapakita dito bilang "Mahabaang Kanyon na Kasindak-sindak"(威遠砲)) na kumpleto sa paninging magaspang at pasukan ng pagpapaapoy na pinetsahan ng mga 1350 AD. Mula ang ilustrasyon sa ika-14 dantaonna aklat na Huolongjing noong Dinastiyang Ming.[4]

Hugis-plorera ang unang mga artileriyang Tsino. Kabilang dito ang kanyong malayuan na pinetsahan mula 1350 at natagpuan noong ika-14 na dantaon na kasunduang Huolongjing ng Dinastiyang Ming.[4] Sa pag-unlad ng mas mabuting kaparaanang metalurhiya, hindi na ginamit ang hugis-plorerang kanyon sa kalunan ng mga unang artileriyang Tsino. Makikita ang pagbabagong ito sa tansong "kanyong na libong bolang kulog", isang maagang halimbawa ng artileriyang sa pook ng labanan.[5] Kumalat ang mga ganitong maliit na magaspang na sandata sa Gitnang Silangan (ang madfaa) at nakaabot sa Europa noong ika-13 dantaon, sa limitadong paraan.

Sa Asya, pinagtibay ng mga Monggol ang artileriyang Tsino at epektibong ginamit ito sa dakilang pananakop. Sa huling bahagi ng ika-14 na dantaon, nag-organisa ang mga rebeldeng Tsino ng artileriya at kabaleriya upang itulak palabas ang mga Monggol.

Makabagong operasyon

baguhin

Ito ang piling tala ng mga bansa ayon sa bilang ng artileriya (ibinigay lamang ang mga sandatang panghukbong kombensyonal, na gamit ng mga puwersang panlupa):[6]

Bansa Bilang Sang.
Rusya 26,121 [7]
Hilagang Korea 17,900+ [8]
Tsina 17,700+ [9]
Indya 11,258+ [10]
Timog Korea 10,774+ [11]
Estados Unidos 8,137 [12]
Turkiya 7,450+ [13]
Israel 5,432 [14]
Ehipto 4,480 [15]
Pakistan 4,291+ [16]
Siria 3,805+ [16]
Iran 3,668+ [16]
Alheria 3,465 [16]
Jordan 2,339 [16]
Iraq 2,300+ [16]
Pinlandiya 1,398 [17]
Brasilia 900 [16]
Kamerun 883 [16]
Maruekos 848 [16]
Pransiya 758 [16]

Ginagamit ang artileriya sa iba't ibang gampanin depende sa uri nito at kalibre. Ang pangkalahatang gampanin ng artileriya ay magbigay ng suportang pamputok—"ang aplikasyon ng pagputok, na kinokoordina sa mga maniobra ng mga puwersa upang wasakin, neyutralisahin o sugpuin ang kalaban". Ginagawa ng kahulugan na ito ng NATO ang artileriya bilang isang sandatang pansuporta bagaman hindi lahat ng hukbong NATO ang sumasang-ayon sa lohikang ito. Sa NATO ang nakalihis na katawagan.[18]

Munisyon

baguhin
 
Amunisyon

Ang munisyon[19] ay pangkalahatang termino ng militar sa mga panira o panudla at kanyang pangsulong o propellant. Base ang salitang ito sa salitang Latin na munire (magbigay ng kailangan) sa pamamagitan ng wikang Pranses. Tinatawag na bala, ang maliliit na panira na mula sa mga riple at baril pangkamay.

Isa sa pinakamahalagang gampanin ng lohistika ay ang panustos ng munisyon bilang pangunahing uri ng nakokonsumong artileriya, ang kanilang pag-imbak (tambakan ng munisyon, arsenal, magasin) at ang probisyon ng mitsa, detonator, at kabesa armada sa punto kung saan itipon-tipon ng mga tropang artileriya ang karga, tudla, bomba o punlo.

Binubuo ang buong artileriya ng apat na bahagi:

  1. Mitsa
  2. Panudla
  3. Pangsulong
  4. Pampanimula

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Artillery - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Bellamy, Christopher (2004). "artillery". Oxford Companion to Military History (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-860696-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Arms and Men: The Trebuchet". Historynet (sa wikang Ingles). 2006-09-05. Nakuha noong 2022-02-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Needham 1987, pp. 314–16 (sa Ingles)
  5. Needham, Joseph (1987). Science & Civilisation in China, volume 7: The Gunpowder Epic (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 317–19. ISBN 978-0-521-30358-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Hackett 2010.
  7. Hackett 2010, p. 223. Para lamang sa Puwersang Panlupa ang binigay na bilang. Ang mga puwersang Impantriyang Nabal at Depensang Baybayin, Serbisyong Pederal ng Guwardiyang Pang-hangganan, at mga Tropang Interyor ay gumagamit ng karagdagang 500+ piraso ng kanyon.
  8. Hackett 2010, p. 412.
  9. Hackett 2010, p. 400.
  10. Hackett 2010, p. 360.
  11. Hackett 2010, p. 414.
  12. Hackett 2010, p. 33. Binubuo ang kabuuan ng 6 270+ kanyon na ginagamit ng Hukbong Estados Unidos, Reserbang Hukbo at Pambansang Guwardiya na may 1, 867 na ginagamit ng USMC.
  13. Hackett 2010, p. 165.
  14. Hackett 2010, p. 255.
  15. Hackett 2010, p. 248. Ang Siria, ang estratehikong kasama ng Ehipto sa nakaraang digmaan laban sa Israel, ay gumagamit ng 3,440+ piraso ng artileriya, at ito ang ika-11 ayon sa ranggo ng gumagamit ng artileriya sa mundo.
  16. 16.00 16.01 16.02 16.03 16.04 16.05 16.06 16.07 16.08 16.09 Hackett 2010, p. 368.
  17. "In a changing world, Finland's artillery stays the same" (pagsusuring balita). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 22, 2013. Nakuha noong Hulyo 24, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Glossary of Terms and Definitions, NATO, AAP-6(2006). (sa Ingles)
  19. Almario, Virgilio, pat. (2010). "munisyon". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

baguhin
  • Hackett, James, pat. (2010), The Military Balance (sa wikang Ingles), The International Institute for Strategic Studies{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)